John Prats, Umani Ng Kaliwa’t Kanang Papuri Bilang Bagong Direktor Ng It’s Showtime

Actor, dancer, commercial model at host—ito lamang ang ilan sa abilidad at trabaho ng aktor na si John Prats. Ilang taon na rin ang nakararaan nang tuluyan niyang pasukin ang mundo ng pagiging direktor. Mainit-init pa nga ang balita na siya na ang bagong direktor ng noontime show na It’s Showtime.

Credit: Instagram / johnprats

Masaya niyang ibinahagi na nabigyan siya ng pagkakataon na maging direktor ng noon time show ng ABS-CBN. Sa post ni John Prats sa kanyang Instagram, makikita sa larawan na nakaupo ito at seryosong nakatingin sa monitor. “A great director gives life to a work of art—gives it a heartbeat… a pulse… opens it’s eyes to the world.” Adrienne Posey

Credit: Instagram / johnprats

Pinasalamatan din nito sa naturang post ang kapwa direktor na si Arnel Natividad sa pagtulong sa kanya. Pinuri at humanga rin ang kapwa artista nito at kasama sa palabas dahil sa “level up” at “upgraded” na gayak ng It’s Showtime studio. Maraming netizens ang bumati at nagpahatid ng kasiyahan para sa aktor at sa bagong papel nito sa telebisyon bilang direktor.

Credit: Instagram / johnprats

Bago ito nauna nang nagkaroon ng maraming proyekto ang aktor kung saan ito rin ang tumayong direktor. Tulad na lamang ng concert ng singer na si Jaya, music video ng singer/composer Moira Dela Torre, maging ng ABS-CBN Christmas Special, at marami pang iba.

Credit: Instagram / johnprats

Tinawag pa nga ng isang netizen si Direk John ng “small but terrible” at “Millennial Director”. Makikita rin sa post ni John Prats ang ginagawa nilang meeting kasama ang mga cameraman, staff at mga host upang maayos at maganda ang kalabasan ng programa.

Credit: Instagram / praybeytbenjamin

Nagpapasalamat rin ang aktor/direktor sa mainit na pagtanggap mula sa mga manood at sinabing para sa kanila ang ginagawang pagpapaganda ng programa ng It’s Showtime. Aniya sa kanyang Instagram post, “Maraming salamat sa overwhelming na saya ng Madlang Pipol!!! Kami ay masaya na nag-enjoy kayo, dahil para sa inyong lahat ng to!!! #madlangpipollpower To God be the glory!!!”

Credit: Instagram / johnprats

Isang video rin ang inilabas ng aktor kung saan nakasakay ito sa dump truck upang maagang makarating sa studio ng It’s Showtime. Sa kabila naman nito ay nagagawa pa rin lumabas at gampanan ng aktor ang karakter nito sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Credit: Instagram / johnprats

Bukod sa pagiging artista at direktor ay nababalanse rin ni John Prats ang pagiging asawa at ama nito sa asawang si Isabel Oli at mga anak nito sa kabila ng hectic schedule ng aktor. Unang nakilala si John Prats bilang child star noon na lumalabas sa mga palabas sa telebisyon at pelikula. Kasama rin nito noon ang kapatid na si Camille Prats na maaga ring pumasok sa mundo ng showbiz.

Leave a Reply