Ang kasal ay isang mahalagang okasyon na pinaghahandaan ng lahat at madalas na magarbo at maraming bisita. Pagdating sa kasal, bida syempre ang bride at ang kanyang suot na wedding dress o gown.
Dahil sa nangyaring pandemya, mapapansin na ang mga kasal na dinadaos ngayon ay simple na lang at tanging mga pamilya at malapit na kaibigan na lamang ang bisita. Pagdating rin sa kasuotan ng bride ay mapapansin na mas pinipili na ng mga ito ang simple ngunit magandang wedding dress tulad na lamang ng dating aktres at PBB housemate na si Dionne Monsanto.

Si Dionne ay ikinasal sa kanyang long-time boyfriend na si Ryan Stadler sa Bern, Switzerland nito lamang March 06, 2021. Pinili nila na magdaos lamang ng civil wedding kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Ang kanilang simpleng kasal ay pina-ganda ng magandang tanawin ng Switzerland at mas naging intimate at sweet ang dating nito dahil sa konting bisita. Makikita na kahit simple ang kanilang kasal ay naging masaya si Dionne at Ryan sa kinalabasan nito.

Ngunit bukod sa kanilang kasal ay mas napukaw ang atensyon ng mga netizens sa suot na pangkasal ni Dionne na nagkakahalaga lamang ng 300 pesos. Sa ganda ng kanyang suot ay hindi mapaghahalataan na ito ay nabili lamang niya ng mura sa isang online shop.
Ibinahagi nga ni Dionne sa kanyang instagram post ang tungkol sa kanyang 300 pesos na suot pangtaas at ang pangbaba naman ay regalo lamang sa kanya ng kanyang kapatid.
“I spent 300 pesos on my wedding dress! The bottom part of my dress is my Something Old. It was a thoughtful gift from my sister a year ago. The corset top is something I bought from an online shop in the Philippines for less than Php 300.”

Ikinagulat ng maraming netizen ang murang halaga ng kanyang suot sa kasal, sa kadahilanang bilang artista at kasal ang usapin ay madalas na bongga at pinagkakagastusan ang wedding dress. Maraming humanga sa pagiging praktikal ni Dionne na nagbigay ng mga positibong komento.
“Ang ganda po, very practical. Simple pero elegante.”
“Sa nagdadala lang yan, importante mas mahal mo yung taong pakakasalan mo hindi sa gaano kamahal ang suot mo.”
“It’s nice to see brides like you who opted to have a simple dress and wedding celebration but still the happiness is overflowing.”
“Perfect! hindi mapagkamalan na 300 pesos lang siya or brand new, nice choice Dionne!”

Ipinakita ni Dionne na hindi importante kung gaano kabongga ang kasal at kamahal ang suot na wedding dress, basta’t masaya ka at kasama mo ang taong mahal mo ay sapat na ito para tawaging magarbo.
Aniya, “As I’ve gotten older, I realize more and more that things are just things. That I don’t need a lot to be happy. That love and respect from people I love are more important than any material possession.”

Sa panahon ngayon, lalo na at may pandemya ang pagiging simple at praktikal ay ang new normal. Maituturing na elegante ang pagiging simple at praktikal, dahil una sa lahat hindi naman talaga importante ang mga mamahaling materyal na bagay kung isang beses mo lang naman ito gagamitin.
Naging isang magandang halimbawa si Dionne sa mga netizens lalo na sa mga soon bride-to-be. Pinatunayan lamang niya na wala sa mahal ng wedding dress ang kagandahan ng isang bride kundi nasa pagdadala nito.