Heaven At Kiko, Kinumpirma Na Ang Relasyon Matapos Ang Hiwalayang Devon-Kiko

Mainit na balita ngayon sa showbiz ang kumpirmasyon ng relasyon nina Heaven at Kiko. Sabay nila itong isiniwalat matapos magbahagi ng mga sweet na larawan Instagram account. Pinag-uusapan ito ngayon ng netizens at inuulan ng pangbabatikos.

Matatandaan kasi na noong March 2021 ay napabalita ang hiwalayan nina Devon Seron at Kiko Estrada. Kumalat ang cryptic post patungkol sa naganap na pang-aahas umano ni Heaven sa relasyon ng dalawa. Agad naman itong itinanggi ni Heaven na wala siyang kinalaman sa hiwalayan nina Devon at Kiko. Matatandaan na nagpost pa nga ito ng mahabang mensahe patungkol sa issue at nagpapaliwanag ng kanyang side.

Credit: Instagram / jasondiazejercito

“I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron ang Kiko Estrada. However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn’t and would never do,” saad ni Heaven sa kanyang post noong March.

“To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup,” dagdag pa nito at mariing itinaggi na wala silang relasyon sa aktor.

Credit: Instagram / jasondiazejercito

Kaya naman ang kumpirmasyon ng kanilang relasyon ay ikinagulat ng marami at umani ng maraming pangbabatikos. Lumabas na sinungaling ang aktres na si Heaven dahil matapos tumanggi ay ngayon nga ay kinumpirma na ang kanilang relasyon. Maraming netizens ang nadismaya sa aktres dahil tila nga nagsinungaling ito at lumabas na totoo talaga ang isyu na sumira siya ng relasyon.

Kilala ng marami si Heaven bilang dating PBB Housemate at ngayon nga ay isa ng aktres na hawak ng ABS-CBN network at gumaganap sa ibat-ibang teleserye. Noon pa man ay marami na rin netizens ang hindi siya gusto at suportado dahil madalas nga siyang masangkot sa mga isyu tungkol sa mga lalaki.

Credit: Instagram / jasondiazejercito

Inamin naman ni Heaven na madali talaga siyang magkagusto sa mga lalaki at isa na nga diyan ang pagkakaroon niya ng crush sa aktor na si Kiko Estrada. Ngunit tila nga hindi simpleng pagka-crush lang ang nangyari dahil nauwi nga ito sa totoong relasyon na umaani ngayon ng maraming pangbabatikos at panghuhusga.

Dahil rin sa isyung ito ay hindi rin naiwasan ng netizens na ikumpara si Heaven kay Julia Barreto na matatandaang nagkaroon din ng parehong isyu.

“Yung Heaven pangalan mo pero ugali mo pang-hell.”

“Julia B. version 2.0.”

“Katropa ni Julia Barreto.”

“Tama talaga si Bea ng sinabi niyang ‘time is the ultimate truth teller.'”

Credit: Instagram / heavenperalejo

Nakakalungkot man para kay Heaven at Kiko na ang kanilang relasyon at pagmamahalan ay umaani ng pangbabatikos imbes na suporta ay hindi talaga ito maiiwasan. Ang tanging magagawa na lang nilang dalawa ay hayaan ang mga natatanggap na isyu at suportahan na lamang ang isat-isa. Ang ganitong mga isyu ay mainit sa publiko at talagang pagtutuonan ng pansin ng mga netizens lalo na at sila ay nasa mundo ng showbiz.

Masasabing mahirap talaga magkaroon ng buhay pag-ibig sa industriya ng showbiz, marami ng sikat na showbiz couple ang naghiwalay, binatikos man o sinuportahan. Mayroon din namang mga nagtagumpay at masaya ngayon sa kanilang buhay pamilya. Nasa kay Heaven at Kiko pa rin ang kapalaran ng kanilang relasyon kung magtatagumpay ba ito o hindi. Ang tanging magagawa na lang ng publiko ay maghintay sa magiging resulta nito.

Leave a Reply