Dating Kusinero Sa Barko, Nagsumikap At Nakapagpundar Ng Sariling Gasolinahan Ngayon

Ang pagtatrabaho sa malayong lugar ay isa sa pangunahing trabaho na madalas piliin ng mga Pilipino, mahirap man ay kakayanin para lang sa pamilya. Kumpara rin kasi sa sahod sa sarili nating bayan, talaga namang mas malaki ang kayang kitain sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Hindi man madali ang mawalay sa pamilya, marami pa ring nakikipagsapalaran sa pagtatrabaho sa ibang bansa, at isa na rin dyan ang pagsampa sa barko na lumalayag ng taon sa karagatan habang nililibot ang buong mundo. Isang napakalaking opurtunidad talaga na maituturing ang magkaroon ng pagkakataon na magtrabaho sa loob ng barko, halimbawa na nga lang ay ang pagiging kusinero dito.

Credit: Facebook / John Ebreo

Kilalanin si John Ebreo, isang 26 years old na binata mula sa Sariaya, Quezon. Nagkaroon siya ng pagkakataon na magtrabaho sa barko bilang kusinero sa loob ng anim na taon. Mahirap man ang malayo sa pamilya ay nagpakatatag si John para makatulong sa kanyang pamilya at masuklian ang mga sakripisyo nila para makaabot siya sa trabahong iyon.

Bago makasampa sa barko, dumaan muna si John sa mga trainings kung saan ay nagkakahalaga rin ng malaking pera. Kaya naman madalas sa mga nagtatrabaho sa barko ay napupunta lamang ang kanilang sahod sa pambayad ng ginastos nila sa trainings at requirements.

Credit: Facebook / John Ebreo

Ngunit dahil sa kasipagan at diskarte ni John sa pagtatrabaho at paghawak ng kanyang pera ay hindi niya lang basta nabayaran ang mga nagastos niya sa trainings, kundi nakapag-ipon rin siya at ngayon nga ay nakapagpatayo na ng kanyang sariling gasolinahan at nakabili ng sariling kotse.

Noong kasagsagan ng pandemya ay binuksan nga ni John ang bago niyang negosyo na gasolinahan na pinangalanan niyang “Ebreo” na apelyido ng kanilang pamilya. Siya mismo ang nag-aasikaso dito at madalas ring maging pump boy kapag naka-day off ang kanyang mga tauhan.

Credit: Facebook / John Ebreo

Gustong maging makabuluhan ni John ang kanyang bakasyon dito sa Pilipinas habang pandemya, dahil ayaw niyang matulad sa ibang nagtrabaho sa barko na naubos lang ang pera sa pagbabayad ng mga trainings at requirements habang naghihintay na makasamapa ulit sa barko.

Mahalaga para kay John na may ibang pagkakakitaan dahil hindi naman habang buhay ay magtatrabaho siya sa barko. Maganda parin na may sarili siyang negosyo kung saan ay kumikita siya habang kasama ang pamilya.

Credit: Facebook / John Ebreo

Ayon kay John ay malaki rin ang naitulong ng kanyang pamilya upang maging posible ang kanyang gasolinahan. Dahil ibinenta ng kanyang ama ang kanilang sasakyan upang may pandagdag sa pagpapatayo ng kanyang negosyo. Nangako naman siya na papalitan niya ito sa taong 2022, at hindi nga siya nabigo dahil napalitan niya ito agad ng bagong sasakyan kahit wala pang 2022 at ito ay kanyang iniregalo sa kaarawan ng kanyang ama.

Marami ring netizens ang nag-abot ng mga positibong komento dahil sa paghanga sa kanya:

“Such an inspiration to all of us! Keep up the good work, John!”

“Nakaka-inspire ka Brother! Salamat sa inspirasyon Bro! Mabuhay ka!”

“Sure na proud ang parents mo sayo. Keep up the good work and be an inspiration to others.”

“Hard work pays reward.”

“Wow congrats, bilib talaga ako sa mga lalaking madiskarte.”

Credit: Facebook / John Ebreo

Tunay na nakakabilib ang pagsusumikap at diskarte ni John sa buhay. Isa siyang inspirasyon sa mga kabataan at maging sa mga kapwa nagtatrabaho rin na tulad niya. Payo niya huwag hayaang mapunta sa luho ang pinaghirapang pera, at sanayin ang sarili na mag-ipon at maging wais sa investment.

Napakasaya ng kanyang pamilya sa naabot ni John dahil alam nilang pinaghirapan niya ito.fe Ang mahal nilang anak ay hindi sila binigo at patuloy na nagsusumikap sa buhay. Patuloy rin ang pagbibigay nila ng suporta sa kanya, ano man ang mga gusto nitong gawin sa buhay

Leave a Reply