Para sa mga taong nasa syudad, ang pagkakaroon ng signal sa ating mga cellphones ay normal lamang. Ngunit para sa mga taong nakatira sa probinsya o kabundukan, ito ay napakalaking biyaya na kung maituturing na siyang ginagamit nila upang magkaroon ng komunikasyon sa kanilang pamilya na nasa malalayong lugar.
Nito lamang ay nag-viral ang larawang ibinahagi ni Ronald Ancero Casil kung saan makikita ang isang babae na emosyonal matapos makakuha ng signal upang makausap ang pamilya. Hindi alintana ng babae ang init ng araw habang nakapatong ito sa malaking bato para lamang sa signal na kanyang ninanais.

Walang mapadsidlan ng tuwa ang babae kaya naman napaluha na lamang ito habang hawak ang kanyang cellphone. Ang lugar kung saan nga mahirap makakuha ng signal ay sa probinsya ng Catungawan Guindulman, Bohol. Kung saan ay napapalibutan sila ng mga bundok at mga bukirin at walang cell site tower kaya naman mahirap talaga makakuha ng signal.
Dahil medyo nasa liblib ang probinsya ay malayo ito sa mga cell site tower, kailangan mong maghanap ng matatas na lugar upang makahanap ng signal. Kinakailangan pang pumatong sa malaking bato para lamang makasagap ang cellphone ng signal at makatawag sa kanyang pamilya.

Maraming netizen ang naantig sa kwentong ito dahil hindi nila akalain na ang simpleng signal ay kayang makapagpaiyak sa tuwa. Marami rin ang hindi napigil sa pagbibigay ng sariling karanasan at ilang sentimyento:
“Naranasan ko din yan dati, umaakyat pa sa bundok para makasagap lang ng signal.”
“Yan ang mahirap sa mga malalayong lugar, kailangan mo pang bumaba ng bayan at obligado ka pang gumastos para lang magka-signal.”
“Ganyan kabulok ang sistema ng mga Telecom dito sa Pinas, kami nga kahit malapit na sa bayan ang hina pa rin ng signal.”
“If LGUs will be lenient on the permits issuance for Telcos, this will not happen. Also those opposing cell sites in their areas should have an open minds as well.”

Ang pagkakaroon ng matinong signal ay napaka-importante sa panahon ngayon lalo na’t may pandemya at importanteng laging natatawagan at nakakamusta ang pamilya sa malayong lugar. Malaking tulong rin ang pagkakaroon ng signal dahil daan ito upang makahingi agad ng tulong tuwing oras ng emergency.
Nakakalungkot isipin na marami pa ring lugar dito sa Pilipinas ang walang mga signal, at kung meron man ay napakahina at mahirap hanapin. Marami sa kababayan natin ang umaasa na sana ay mapagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapatayo ng cell sites sa mga probinsya at malalayong lugar na walng signal.

Nakakalungkot na ang pagkakaroon ng signal ay simpleng pribilehiyo na wala ang marami. Sana dumating ang panahon na ang lahat ng tao sa ating bansa ay mabigyan ng access upang wala ng katulad ng babaeng ito na magtitiis sa init ng araw, umakyat sa malaking bato, maghintay at umaasa sa isang himala para lamang makausap ang pamilya.