Kilalanin ang Proud Celebrity Fur Parents Kasama ang Kanilang Fur Babies

Ang pagiging fur parent ay halos katumbas na rin ng pagiging isang tunay na magulang. Ang pag-aalaga, pagpapakain, pagbili ng mga kailangan nito at paninigurong wala itong sakit ay mga parehong gawain na ginagawa ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Ngayon ay kilalanin natin ang ilan sa mga celebrity na proud fur parents at ang kanilang mga fur babies.

Credit: Instagram / beaalonzo

BEA ALONZO. Proud na ibinahagi ng aktres ang pagkakaroon niya ng alagang aso na pinangalanang “Walter White”. Hindi mapigilan ng aktres ang kasiyahan at inaming na ‘love at first sight’ siya sa alaga.

Credit: Instagram / alexailacad

ALEXA ILACAD. Ang aktres ay mahilig na sa mga hayop simula pa pagkabata. Sa katotohanan nga ay ipinagdiwang niya dati ang kanyang 18th birthday sa isang animal shelter dahil sa pagmamahal niya sa mga hayop. Masayang ibinahagi ni Alexa na isa na siyang certified fur parent dahil sa pagkakaroon niya ng parehong aso at pusa.

Credit: Instagram / bernardokath

KATHRYN BERNARDO. Isa ang aktres sa pinakakilalang celebrity fur parent dahil sa dami niyang alaga. Mayroon lang naman siyang anim na aso na sina “Pablo”, “Tala”, “Cloud”, “Snow”, “Summer” at Storm” at isang bagong puting pusa na si “Chloe”. Sa sobrang pagmamahal ni Kathryn sa kanyang mga alaga ay nagdaos siya ng pet party noong 2014. Siya rin ay miyembro ng CARA Welfare Philippines na isang organisasyon na may adbokasiya sa pagprotekta sa mga hayop.

Credit: Instagram / ramonathornes

ARCI MUNOZ. Noon pa man ay mahilig na si Arci sa mga hayop mapa-aso man o pusa, at ngayon nga ay proud cat mom siya sa kanyang tatlong pusa na sina “Artemis”, “Salem” at “Kakashi”. Matatandaan na bumida noon si Arci sa afternoon teleserye ng TV5 na Felina: Prinsesa ng mga Pusa kung saan ay gumanap nga siyang taong-pusa. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit malapit at mahilig ang aktres sa mga pusa dahil sa koneksyon sa kanyang unang pinagbidahang teleserye.

Credit: Instagram / coleen

COLEEN GARCIA. Ang aktres ay parehong proud dog and cat parent. Noon pa man ay mayroon na siyang alagang aso at pusa. Ngunit sa lahat ng kanyang alaga ay naiiba ang kanyang dalawang Sphynx na iniregalo sa kanya ni Billy na pinangalanan nilang “Anya” at “Dimitri”. Sa ngayon ay masaya ang kanilang pamilya sa piling ng kanilang aso at mga Sphynx cats kung saan ay madalas pa ngang kalaro ng kanilang anak na si Amari.

Credit: Instagram / superjanella

JANELLA SALVADOR. Ang aktres ay isang proud cat mom ng kanyang alaga na si “Hermes”. Ang cute na pusang ito ay may nakakatuwang masungit na itsura na kinatuwaan rin ng mga netizens. Sa kabila ng masungit na itsura ng pusa ay kabaligtaran naman nito ang kanyang ugali na napakalambing. Masaya si Janella kasama ang kanyang pusa kahit pa ay may anak na rin siya ngayon.

Ang mga proud celebrity fur parents na mga ito ay patunay lamang na kahit abala sila sa kanilang showbiz career ay kaya pa rin nilang mag-alaga ng mga pets. Ipinapakita rin nito ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga alaga at kung paano ito tumutulong na pasayahin ang kanilang abalang buhay.

Leave a Reply