Batang Walang Pambili ng Tsinelas, Nakuha Pang Magbigay ng Saging sa Kanyang Guro

Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay, marami pa rin talaga ang may mabuting kalooban. Madalas pa nga ay kung sino pa ang mahirap at walang-wala sa buhay ay siya pang mapagbigay. Isa lamang ito sa mabubuting ugali na mayroon ang mga Pilipino.

Isang bata ang hinangaan ng kanyang guro dahil sa kabaitan nitong taglay. Makikitang wala itong tsinelas ngunit nagawa pang magbahagi ng saging sa kanyang guro na si Sir Ryan James Duenas. Ibinahagi ng guro sa kanyang social media ang ginawa ng kanyang estudyante na si “Manuel” na binigyan siya ng munting regalo. Salat sa buhay ang pamilya ng kanyang estudyante kaya naman kahit simpleng tsinelas ay hindi nito magawang bilhin.

Credit: Facebook / Ryan James Duenas

Kwento ni Sir Ryan ay nagsimula niya ngang mapansin na pumapasok ang kanyang estudyante na laging naka-paa at walang tsinelas na suot. Tahimik lamang daw ito ngunit ito hindi mapakali sa kanyang upuan habang may sinisilip sa kanyang bag. Nagpasya siyang lapitan ito upang tanungin sana kung anong problema at kung bakit hindi ito mapakali, ngunit ikinagulat niya ng bigla siyang abutan nito ng prutas na saging mula sa kanyang bag.

Nabigla at naantig ang puso ng guro dahil hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng regalo mula dito. Lumambot ang kanyang puso at medyo napaluha pa dahil sa kabutihang ginawa nito sa kanya. Hindi niya lubos akalain na ang isang batang hikahos sa buhay ay magagawa pa siyang bigyan ng isang piling ng saging. Sino nga ba ang mag-aakala na ang batang walang pambili ng tsinelas ay magagawa pang magbigay?

Credit: Facebook / Ryan James Duenas

Agad na nag-viral ang mga larawan na ibinahagi ng guro at agad na umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens:

“Tama yan anak, maganda ang nagbibigay at dun ka pagpapalain ng di mo inaasahan. Susuklian ka ni Lord sa iyong ginawa.”

“Sana tularan ka ng mga bata, maganda yang ginawa mo.”

“Ganyan talaga ang mga Pinoy, kung sino pa ang hikahos siya pa ang mapagbigay.”

“Ang bait mong bata ka, napaluha ako sayo.”

“Gaano man kahirap ang buhay ay may busilak ka pa ring puso.”

“Sana makatanggap siya ng tsinelas mula sa guro niya.”

Credit: Healthtian

Hangad ng marami na sana ay magkaroon na ng tsinelas ang estudyanteng si Manuel at mabigyan ng tulong pinansyal ang kanyang pamilya. Maraming natuwa at humanga sa kanyang kabutihan at patunay lamang ito na kahit mula sa hirap ay pinalaki siyang mabuti ng kanyang mga magulang. Dahil dito ay marami na ring netizens ang nais magpaabot ng tulong.

Credit: Facebook / Ryan James Duenas

Isang inspirasyon ang batang si Manuel na sa murang edad ay naisip pang magbigay kahit siya mismo ay walang-wala. Maraming umaasa na sana ay marami pang bata ang maging katulad niya. Patunay lamang ito na hindi hadlang ang kahirapan para maging mabuti at mapagbigay. Ipinakita ng batang ito na lahat tayo ay may kakayahang magbigay kung gugustuhin natin.

Leave a Reply