Alamin Kung Bakit Mabisa ang Sibuyas Panggamot ng Maraming Sakit

Ang sibuyas ay sikat sa ating mga Pinoy o maging sa ibang lahi pagdating sa pagbibigay ng kakaibang lasa at linamnam sa pagluluto. Sibuyas ang kadalasang ginagamit sa anu mang putahe mapa-gisa, may sarsa o may sabaw at marami pang klase ng pagkain na niluluto na ginagamitan nito.

Credit: Pinterest / Healthline

Samantala natuklasan sa mga pag-aaral na ang sibuyas ay maraming benepisyo sa katawan ng tao. Sinasabing ang sibuyas ay nagtataglay ng iba’t ibang bitamina at may kakayahang magpagaling ng trangkaso. Marami na nga ang gumagamit nito bilang natural na pamamaraan sa pagpapagaling ng may sakit. Ilan sa mga sakit na ito ay ang ubo at sipon, kadalasang inilalagay ito sa paa at pagkatapos ay magsusuot ng medyas upang maginhawaan ang sino mang may sakit.

Credit: Pinterest / Power of PositivityB

Mabisang antibiotic din ang sibuyas na tumutulong na mapabilis ang paggaling ng impeksyon sa katawan ng tao. Maaari rin itong gamitin bilang gamot upang masipsip mula sa paa na may sibuyas ang nilanghap na usok galing sa sigarilyo. Mainam din itong pampalakas ng resistensya dahil may taglay itong bitamina E at C.

Alam nyo rin ba na ang sibuyas ay makatutulong sa atin na mapabilis ang metabolism? Sa mga naturang pag aaral napatunayan na ang flavonoids mula sa sibuyas ang siyang nakapagpapabilis sa ating metabolism. Ayon rin sa pagsasaliksik ng eksperto ang sibuyas ay siksik sa nutrisyon na may mababang calories ngunit mataas sa mineral.

Credit: Home Trends

Isang artikulo din ng Mediko.ph na nagsasabi na ang bungang-ugat ng sibuyas ay maaari ring gawing gamot. Sa katunayan maari itong ipahid sa tiyan kapag nahihirapang umihi, ipaamoy sa taong nahimatay at makalulunas rin sa pananakit ng ulo. Marami rin sa atin ang hindi nakaalam na maging ang masakit na tenga ay kayang kayang pagalingin at gamutin ng sibuyas. Nakaiiwas rin sa pagkakaroon ng ‘blood clot’, nakapagpapababa ng blood pressure at ‘high colesterol’ ang mga taong kumakain ng sibuyas.

Bukod naman sa mismong sibuyas, numero unong sangkap din ang dahon nito sa ilang putahe dahil ang dahon nito ay may kakaibang lasa at aroma kapag isinasasama sa pagkain. May mga pagkakataon din na ginagawang tea ang dahon ng sibuyas at nilalahukan pa ng honey upang igamot sa ubo.

Leave a Reply