Alamin ang mga Benepisyong Hatid ng Paggamit o Pagkonsumo ng Lemon

Isa ang lemon sa kilala nating prutas bukod pa sa libo-libong iba pa. Ngunit bukod sa pagiging prutas na makapagbibigay sa atin ng maraming bitamina katulad na lamang ng Vitamin C, marami pa palang mahahalagang bagay ang pwedeng gawin sa lemon.

Isa na lamang sa mga ito ay ang pagkakaroon nito ng sangkap na makapagpapabuti sa ating balat. Marami na ngang indibidwal ang ginagamit ito bilang “beauty regimen”. Ang ibinibigay nitong acid ang nakapagtanggal ng black heads. Isa rin ito sa solusyon sa acne, pampaputi sa mga parte ng balat at maging sa pagpapaganda ng buhok.

Credit: Pinterest / A Bubbly Life

Nakamamanghang pwede rin pala itong gamitin sa pagpapatibay ng ating mga kuko. May taglay na sangkap din ang lemon na nagbibigay ng tinatawag na “flavonoids” na isang anti-oxidants. Makatutulong itong mawala o maalis ang “free radicals” na nakasisira sa cells ng ating katawan.

Kilala at sikat din ang lemon bilang isa sa pampasarap ng lutuing pagkain. Isinasangkap ito at inihahalo sa pag be-bake o sa ilang mga minatamis, inumin, salad at maging sa mga sawsawan. Mainam din itong pananggalang sa mga sakit na karaniwan nating nararanasan.

Credit: Pinterest / She Finds

Ayon sa pag-aaral ang taglay na flavonoids ng lemon ay nakapagpapababa ng tiyansa sa pagkakaroon ng stroke. Nasa halos 19% ng mga babaeng kumakain nito ay nakaiiwas o lumiliit ang tyansa na magkaroon ng Ischemic stroke at nakapagpapabuti ng daloy ng dugo ayon sa Medical News Today. Bukod pa rito ang madalas na pagkonsumo o pagkain ng lemon ay mainam na panlaban sa nakamamatay na sakit na cancer. Maging ang pagkakaroon ng hika at pagtaas ng blood pressure ay kayang-kaya.

Credit: Pinterest / Something Turquoise

Madalas din itong ilagay sa tubig o gawing lemon water, kung saan tinatayang masustansya pa sa ibang klase ng inumin. Ang pag inom ng lemon water ay magandang pampalit sa mga inuming mataas sa calories. May mga indibidwal din na isinasama ito sa kanilang diet at may posibilidad na ang lemon water ay makatulong na bumaba ang timbang.

Dahil sa taglay na sangkap ng lemon, naging malikhain ang mga tao sa paggamit nito sa pang araw-araw na pamumuhay. Sa natural na nilalaman ng lemon ay itinuturing isa ito sa maaasahang prutas na maraming magagandang maidudulot sa ating katawan.

Leave a Reply