Bahay ng Dalagang Board Topnotcher: Barong-Barong Noon, Konkreto na Ngayon

Isa siguro sa pinakamasayang pakiramdam ay ang maipagawa at maipaayos ang bahay na barong-barong lamang noon. Resulta ito ng ilang taong pagsusumikap at determinasyon sa buhay ng dalagang naging topnotcher noong 2015 na hinangaan ng marami dahil nakatira lamang sa maliit at barong-barong na bahay.

Matatandaan na nag-viral ang dalagang si Iah Seraspi sa social media matapos makita ang isang tarpauline ng larawan niya na naka-toga at kung saan may nakalagay na ‘Top 2’ na nakasabit sa isang maliit at barong-barong na bahay.

Ang dalagang si Iah ay nakapagtapos ng BS Education Major in Science sa Romblon State University. Siya ay nag-Top 2 sa Licensure Exam for Teachers o LET noong 2015.

Credit: Facebook / Iah Seraspi

Ikinagulat ng marami na ang dalaga pala ay nakatira lang sa naturang barong-barong. Siya ay anak ng isang mangingisda at ng dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa pag-aaral ay matagumpay siyang nakapagtapos at isa pa sa mga nanguna sa board exam.

Matagal ng pangarap ni Iah na ipagawa at ipaayos ang kanilang barong-barong na bahay. Gusto niyang ipa-konkreto ito para na rin sa kaligtasan at ika-kukumportable ng kanyang pamilya. At nito nga lamang ay ibinahagi niya ang naging resulta ng kanyang pagsisikap bilang propesyunal na guro at masayang ipinakita ang magandang pagbabago ng kanilang tahanan.

Credit: Facebook / Iah Seraspi

Malaki daw ang naitulong ng pagiging Top 2 niya sa board exam dahil nakatanggap agad siya ng maraming job offers. Bukod sa pagiging guro sa isang review center ay marami ring opurtunidad na nagbukas para sa kanya kung saan ay naiimbitahan siya sa ibat-bang conference. Pinagbutihan ni Iah ang kanyang pagtatrabaho at masikap na nag-ipon para sa pangarap na tahanan kaya naman hindi kataka-taka na pagkalipas lamang ng ilang taon ay natupad niya na ito.

Ang dating barong-barong na bahay na gawa lamang sa kahoy at pawid ay ngayon ay konkreto na. Ito ay may dalawang palapag at may magaganda naring muwebles at appliances. Malayong-malayo na nga sa dating bahay na kinalakihan ni Iah. Ang nasabing konkretong bahay ay ipinatayo rin mismo kung saan dating nakatayo ang barong-barong nila, kahit may pagkakataon naman silang lumipat sa ibang lugar ay mas pinili ni Iah na sa lugar kung saan sya nagmula at lumaki ito ipatayo.

Credit: Facebook / Iah Seraspi

Maraming netizens ang natuwa sa magandang balita na ibinahagi ni Iah at umani rin ito ng mga positibong komento.

Nakakatuwang makita ang naging magandang resulta ng pagsusumikap ni Iah, kaya naman maraming humanga at nabilib sa kanya. Hindi rin naging biro ang mga pinagdaanan niya sa buhay kaya naman talagang deserve nito ang magandang buhay na tinatamasa niya ngayon.

Credit: Facebook / Iah Seraspi

Masayang-masaya naman ang kanyang pamilya dahil hindi sila binigo ng kanilang anak magmula pa man noon hanggang ngayon. Hindi nakalimot si Iah na suklian ang pagsasakripisyo ng kanyang mga magulang at siniguradong mabibigyan niya ito ng komportableng buhay at bahay.

Patunay lang ito na wala sa estado ng buhay at sa itsura ng bahay ang makakapagsabi ng iyong tagumpay. Kahit sino ay kayang magtagumpay, barong-barong man o konkreto ang kinalakihang tahanan basta may pangarap at samahan ng pagsusumikap.

Leave a Reply