Concerned Citizen, Pinahanap ang Mag-Amang Nakatulog Habang Nagtitinda ng Lobo sa Kalsada

Ang mga street vendors na nagtitinda at naglalako sa kalsada umaraw man o umulan ay karaniwan na nating nakikita dito sa Pilipinas. Isa na nga sa madalas nating makita na nilalako sa kalsada ay ang mga makukulay na lobo na itsurang cartoon character. Madalas natin itong makita na tinitinda sa tapat ng simbahan o kaya naman sa mga parke kung saan maraming tao, lalong lalo na mga bata.

Sa hirap ng panahon ngayon lalo na’t may pandemya ay marami pa ring street vendors ang patuloy na nagtitinda at naglalako sa kabila ng panganib upang kumita para sa kanilang mga pamilya.

Credit: Facebook / Lim Shiwen

Ibinahagi ng isang concerned citizen na si Lim Shiwen ang larawan ng mag-amang nagtitinda ng lobo sa kalsada. Ang dahilan ng kanyang pag-post ay upang manawagan na kung sino man ang nakakita at nakakaalam sa kung nasaan ang mag-ama ay ipagbigay alam sa kanya. Nais niyang bilhin ang mga paninda nitong lobo at sagutin ang kanilang isang buwang gastusin.

Naantig ang kalooban ni Shiwen sa sitwasyon ng mag-ama matapos makita na ang paslit na anak na mahimbing na natutulog sa isang basket. Maaaring dahil sa pagod sa pagtitinda kaya nakatulog na ang mag-ama na hindi alintana kahit nasa kalsada pa sila at mainit ang panahon. Hindi lahat ay may kakayahang magpaabot ng tulong sa mga ito kaya naman ay marami ang humanga sa kagustuhan ni Shiwen na matunton ang mag-ama at tumulong.

Credit: Toddseifert

Inulan naman ng maraming shares at reacts ang post na ito ni Shiwen at marami rin ang nagbigay papuri sa kagustuhan niyang tumulong at umaasang makita ang mag-ama:

“Salamat sa mga tumulong at mga gusto pang tumulong sa mag-ama, napakabuti ninyo.”

“Sobrang nakakaiyak at nakakaawa ang mag-ama. Maraming salamat sa tumulong sa mag-ama, pagpalain nawa kayo ng Maykapal.”

“Sana makita ang mag-ama, to that person who want to help them, God bless you more.”

May isa namang netizen ang nagkomento na madalas niya raw makita ang mag-ama sa may Puregold Naga Road, Las Pinas.

“Madalas ko sila makita sa may Puregold Naga Road Las Pinas. Nakausap ko si Tatay dati, di ko lang ma-recall name niya, taga-Samar sila at naglalabada asawa niya kaya kasama niya lagi yung anak niya. Dun sila sa labas ng Bacolod Chicken Inasal nakapwesto.”

Credit: Facebook / Lim Shiwen

Marami ang umaasa at nagnanais na sana ay mapansin ito ng mga programa sa telebisyon tulad na lamang ng Raffy Tulfo In Action at Kapuso Mo Jessica Soho. Sana raw ang mga katulad nila tatay at kanyang anak ang mapansin at maabutan ng tulong dahil mas kailangan nila ito.

Alam ng marami na napakahirap na ng panahon ngayon dahil sa pandemya, maraming hanapbuhay at pamilya ang naapektuhan kaya naman doble kayod ang marami para lamang kumita para may maipangtustos sa pamilya.

Cresit: TretEarth

Nakakalungkot man isipin na maraming street vendors ang nahihirapan at lubos na naaapektuhan ngayon. Sana marami pang katulad ni Shiwen ang nais tumulong sa mga katulad ni tatay at kanyang anak, at maging inspirasyon sila upang dumami pa ang mga katulad niyang may mabuting kalooban.

Leave a Reply