Awra Briguela, Tinupad ang Pangarap ng Ama na Makapagtapos sa Kolehiyo

Madalas nating marinig ang sakripisyo ng mga magulang upang mapag-aral at mapagtapos ang mga anak ngunit paano kaya kung kabaligtaran ang nangyari?

Si McNeal Briguela o mas sumikat sa pangalang “Awra” matapos maging viral sensation noong taong 2016 dahil sa kanyang video na umaarte at biglang umaawra ng pose. Kinagiliwan ito ng marami na naging dahilan upang madiskubre siya at mapunta sa mundo ng showbiz. Ang aktor na si Coco Martin ay inimbitahan siyang umarte sa sikat na teleseryeng Ang Probinsyano kung saan gumanap siya bilang si “Macmac”. Matapos nito ay nagtuloy-tuloy na nga ang pag-angat sa industriya ni Awra kung saan ay lumabas na siya sa ibat-ibang pelikula, TV appearances, at nagkaroon pa ng pelikula kasama si Vice Ganda.

Credit: Instagram / awrabriguela

Bukod sa showbiz ay sikat rin sa Awra sa social media kung saan mayroon siyang 3.1 milyong followers sa Instagram, 1.3 milyong followers sa Twitter, at isa ring vlogger na mayroong mahigit 800k subscribers. Makikitang maraming fans at supporters si Awra kahit bata pa dahil hindi lang ito magaling umarte o magpatawa kundi dahil siya ay may mabuting puso ay maituturing na ulirang anak.

Sa kabila ng kasikatan na tinatamasa ni Awra ay hindi nito nakakalimutan ang kanyang pamilya at nananatiling mapagkumbaba. Nito lamang ay pinag-usapan at hinangaan siya ng marami matapos niyang mapagtapos ang kanyang ama sa kolehiyo. Bukod sa pagtulong sa kanyang pamilya, pinabalik ni Awra ang kanyang ama sa pag-aaral, kung saan ay siya ang nagtustos at sumuporta sa lahat ng kailangan nito sa pag-aaral.

Credit: Instagram / awrabriguela

Alam ni Awra kung gaano kahalaga ang edukasyon at kung gaano kagusto ng kanyang ama na maipagpatuloy ang pag-aaral at makapagtapos, kaya naman bilang isang mabuting anak ay tinupad niya ang kahilingan ng ama at sinuportahan ito sa kanyang pangarap.

Bilang anak ay proud na proud si Awra sa tagumpay na pagtatapos ng kanyang ama. Naging patunay rin ang kanyang ama na hindi kailanman naging hadlang ang edad upang makapag-aral at makapagtapos. Basta’t may pangrap at determinasyon ay hindi ito imposible. “Congrats Papa! So proud of you! Sabi nga nila, It’s better than late, than never!”

Credit: Instagram / awrabriguela

Masaya siya para dito dahil alam niya kung paano nagsikap at nagpursige ang ama upang maabot ang pinapangarap na diploma. Aniya, naging inspirasyon nila ang kanyang ama para pagbutihin ang kanilang pag-aaral dahil naging magandang ehemplo ito sa kanila pagdating sa edukasyon at kung gaano ito ka-importante. “Kaming lahat ng anak mo, sobrang saludo sayo! Kasi ipinakita mo sa akin kung gaano kahalaga ang pag-aaral! I love you papa! Congrats ulit!!!”

Dahil dito ay umani ng maraming paghanga at papuri si Awra netizens at kasamahan sa showbiz dahil hindi nga pangkaraniwan na ang anak ang tumulong para mapagtapos ang magulang.

Credit: Instagram / awrabriguela

Humanga rin at nagbigay papuri ang talent manager na si Ogie Diaz sa pagiging mabuting anak ni awra. Ayon sa kanya, “Karaniwan ng kwento ng mga magulang ay nakapagtapos ang kanilang anak sa kolehiyo. Sa larawang ito gusto ko batiin si Awra, dahil napagtapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo. Congrats Awra!!! Ipagpatuloy mo ang kabutihan mo bilang isang anak. Isa kang inspirasyon.”

Tunay na kahanga-hanga ang isang anak na katulad ni Awra, bukod sa pagtustos sa kanyang pamilya ay sinuportahan niya rin ang pangarap ng kanyang ama na makapagtapos gaya ng pagsuporta nito sa kanyang showbiz career. Naging isang magandang ehemplo at inspirasyon si Awra na hindi lang magulang ang kayang sumuporta sa anak, kundi ang mga anak ay may kakayahan ring tumulong at suportahan ang pangarap ng mga magulang.

Leave a Reply