Kwelang Sagot ni Angeline Quinto, “Gusto Kong Mag-Asawa Para may Kahati sa Pagbabayad ng Bills”

Si Angeline Quinto ay aktres at isa sa mga hinahangaang singer ng henerasyon ngayon. Bukod sa galing niya sa pagkanta ay marami rin siyang tagahanga dahil sa kanyang nakakatuwang personalidad at pagkakalog na kinaaaliwan ng marami.

Nito lamang ay ipinahayag ni Angeline na handa na siyang mag-asawa at i-level-up ang kanyang buhay lovelife matapos makaranas ng ilang pagkabigo. Para sa kanya ay sapat na ang mga kabiguan niya sa pag-ibig at panahon na para magkaroon ng seryosong relasyon na mauuwi sa kasalan.

Credit: Instagram / loveangelinequinto

Ngunit kahit handa na si Angeline na magkaroon ng asawa at pamilya ay hindi niya pa ito magagawa dahil nananatili pa rin siyang single at walang boyfriend sa kasalukuyan. Kahit ganun ay umaasa pa rin siya na darating ang tamang lalaki para sa kanya na handa siyang pakasalan at makasama habang buhay.

Sa Youtube vlog ng aktres na si Kim Chiu na kaibigan ni Angeline na may title na “Lie Detector Gone Wrong with Angeline Quinto!” sinagot ng kapamilya birit queen ang mga tanong tungkol sa love at relationships. Ang ilan nga sa mga sagot niya sa tanong ay kinatuwa nga ng mga netizens.

Credit: YouTube / Kim Chiu

Sinagot ni Angeline na hindi daw siya naniniwala sa ‘second chances’ pagdating sa kanyang pakikipag-relasyon. Para sa kanya ay pag tapos na, the end na at wala ng balikan pa. Saad nya, “Hindi, kasi never ko naman naranasan na makipagbalikan sa ex. Lalo na kapag hindi naman maganda yung pinagtapusan.”

Sa pahayag niyang ito ay maraming nalungkot dahil umaasa pa rin sila na magkakabalikan sila ng singer na si Erik Santos. Dahil sa pahayag na ito ni Angeline ay malabo na itong mangyari. Hiling ng fans na makatagpo na ng tamang pag-ibig ang kanilang idol.

Credit: Instagram / loveangelinequinto

Ang kahilingan ng kanyang itinuturing na ina na si Sylvia Quinto ay pumanaw noong November 2020 dahil sa massive stroke. Hiling nga nito na maabutan niya pang maikasal ang anak na si Angeline at magkaroon ng sarili niyang pamilya ngunit hindi ito nangyari.

“Before nung nandito pa ang Mama Bob, yun talaga ang gusto niya. Yun nga yung isang wish ng Mama ko sa akin na hindi ko naibigay habang nandito siya dati,” aniya.

Credit: Instagram / loveangelinequinto

Marami namang naaliw sa naging rason ni Angeline kung bakit gusto niya ng mag-asawa, kung saan nga ay isang napaka-praktikal na dahilan na hindi mo inaasahan para sa tulad niya. “Kaya nung nawala ang Mama, parang ako, gusto ko naman talaga. Para may kasama na rin ako sa pagbabayad ng bills, hahaha!” tawang-tawang pahayag ng Birit Queen.

Sa tanong naman kung ano bang ideal man niya pagdating sa physical qualities gusto raw ni Angeline ng mas matangkad sa kanya. “Kung hindi ko man ka-height, baka pwedeng matangkad sa akin ng kaunti lang. Kasi 5’1 ako eh pag walang sapatos. Siguro yung lalake gusto ko mga 5’4-5’5.” Bukod naman sa matangkad gusto rin daw ni Angeline sa lalaki ay moreno at may makapal na kilay.

Credit: Instagram / loveangelinequinto

Mapapansin sa mundo ng showbiz na ang mga artista ay matagal bago makatagpo ng tunay na pag-ibig. Ang iba ay mas prayoridad ang kanilang career, habang ang iba kahit gusto nang magpakasal at magkapamilya tulad nalang ni Angeline. Ano’t ano pa man, hindi importante kung kailan at ilang taon ka na bago magpakasal, kundi ang taong makakasama mong haharap sa altar makakasama habambuhay.

Leave a Reply