Minamaliit Na Waiter Noon, Nakapagpundar Na Ng Sariling Bahay Ngayon

Isa sa mga pinapangarap ng lahat ng tao ngayon ay ang makapagpundar ng sariling tahanan, ngunit hindi ito madali sapagkat alam naman nating lahat kung gaano kamahal ang pagpapagawa ng bahay lalo na at mahirap mag-ipon ng pera kung mababa lamang ang antas ng iyong trabaho.

Credit: Facebook / Jhay Suarez Tuyor

Bilang isang waiter, sino ba ang mag-aakalang makakapagpatayo ka ng bahay sa trabahong ito? Isa ito sa minamaliit na trabaho ng nakararami dahil utusan at tagalinis lamang ang tingin sa trabahong ito.

Ngunit pinatunayan ni ‘Jhay Suarez Tuyor’ na ang pagiging waiter ay hindi lang basta hamak na utusan at tagalinis. Ibinahagi nga niya sa kanyang Facebook account kung paano niya natupad ang kaniyang pangarap na bahay sa kabila ng kaniyang pagiging waiter.

Credit: Facebook / Jhay Suarez Tuyor

Sa walong taon na pagtatatrabaho ni Jhay bilang waiter ay nagtiyaga siya at nagsumikap para makaipon upang mapundar ang pinapangarap na bahay.

“Sa pagiging waiter ko po mula 2004 hanggang 2012 ay natupad ang pangarap ko na makapagpatayo ng sarili kong bahay. Bawat sentimo ng sahod ko ay dito ko inilaan mula sa mga hollow blocks pati tiles lahat,” pagbabahagi ni Jhay.

Credit: Facebook / Jhay Suarez Tuyor

Bago naabot ni Jhay ang pangarap niyang bahay ay dumaan muna siya sa kaliwat-kanang panghuhusga galing sa mga tao. Naranasan niyang maliitin at pagsalitaan ng ibat-ibang negatibong pananalita mula sa ibang tao. Sa loob ng walong taon niyang pagtatrabaho ay ibat-ibang uri na ng tao ang kaniyang nakasalamuha. Ilan sa mga ito ay binigyan siya ng inspirasyon na magpatuloy at pinalakas ang loob niya na abutin ang kaniyang pangarap, ngunit ilan dito ay pilit siyang ibinababa.

“Waiter ka lang pala, oh magpraktis ka na magbugaw ng langaw dito sa hapag kainan.”

Credit: Facebook / Jhay Suarez Tuyor

Isa lamang yan sa pangmamaliit na madalas sabihin sa kaniya. May mga pagkakataon din daw na ikinukumpara ang pagkatao niya sa damit ng mayamang customer dahil lang di sinasadyang matapunan niya ito ng inumin. Sa kabila ng mga pangmamaliit kay Jhay, hindi ito naging hadlang para abutin ang kaniyang pangarap, sa halip ginawa niya itong motibasyon upang ipakita na kaya niya.

Hindi nga siya binigo ng kaniyang pagsusumikap dahil ang walong taon na pagtatarabaho nya bilang waiter ay nagbunga na. Matagumpay niyang naipundar ang napakagandang bahay na konkreto at mayroong dalawang palapag at ang sahig ay puno ng makikintab na tiles.

Credit: Facebook / Jhay Suarez Tuyor

Dahil dito maraming netizens ang humanga at nagbigay papauri kay Jhay at ito nga ang ilan sa kanilang mga komento:

“Wow… walang imposible basta may sikap at tiyaga sa buhay.”

“Kaya nga wag tayong manghuhusga ng ating kapwa.”

“Hindi nakakahiya ang trabahong waiter dahil marangal na trabaho yan. May mga tao talagang mapanghusga. Congrats sayo at lalo mo pang pagbutihan.”

“Wala sa trabaho yan, nasa diskarte. So proud of this man.”

“Pag may tiyaga may nilaga, sipag is the key.”

Talaga namang kahanga-hanga si Jhay at nagbigay inspirasyon siya sa maraming netizens.

Credit: Facebook / Jhay Suarez Tuyor

“Wag kang mapapagod kaibigan, nasa kabilang buhay ang pahinga, habang bata kayo kayod lang ng kayod tapos wag kang magpapatukso sa kung anong meron yung tropa mo… mas masaya magpakasarap sa huli, kesa panay pasarap ngayon, ending? Walang humpay na kayod,” payo ni Jhay sa kapwa netizens.

Ang klase ng iyong trabaho ay hindi sukatan ng iyong pagkatao dahil kapag may pagsusumikap tiyak na matutupad ang pangarap at isa nga si Jhay sa nagpatunay nito.

Leave a Reply