Ang ‘Wais Na Misis’ Na Si Lumen Ng Surf Commercial Noong 90s, Nasaan Na Ngayon?

Naaalala mo pa ba ang sikat na tv advertisement ng isang brand ng sabon noong 90s? Nasaan at ano na nga ba ang buhay ng mga bumida sa naturang patalastas at nagkaroon pa nga ng magkakasunod na serye?

Sa naturang patalastas nga ay ipinakita kung paanong ang isang simpleng maybahay ay naging wais pagdating sa labahan. Pinahanga nga ng konsepto ng patalastas na ito ang mga manonood kung kaya naman ay naging sikat ito. Pero sa likod ng pagganap na ito, sino nga ba ang tinaguriang “Wais na Misis” na naging sikat noong 90s?

Credit: Youtube / Surf

Si January Isaac o mas kilala sa pangalan na “Lumen” ang gumanap sa papel ng isang wais na ina. Ipinakikita sa patalastas na ito ang pagiging praktikal ngunit dekalidad na pagpili ng sabon para sa labahin. Tumatak ang papel ni Lumen sa naturang patalastas dahil sa karakter nito na isang mabait na manugang sa karakter naman ng kanyang sobrang istriktang biyenan na si Nanay Obang. Kasama rin at sumikat sa patalastas ang karakter ng kambal na anak nina Lumen at Lando.

Credit: Facebook / January Isaac

Ang naging role ni January bilang si Lumen ay kinagiliwan ng maraming manonood dahil na rin sa ina ng kanyang naging asawa na si Lando na sobrang istrikto lalo na sa kalinisan ng damit ng kanyang mga apo. Ang commercial na iyon ng Surf ay umere sa iba’t ibang channel mula 1998 hanggang 2015. At tumatak ang patalastas na ito sa mga Pilipino, lalo na ang mga batang 90s.

Credit: Facebook / January Isaac

Dahil sa nakilala ito sa patalastas na ito napasama rin sa ilang pelikula si January katulad na lamang ng Pakners noong 2003 at Burador taong 1999. Ngunit sa paglipas ng panahon ay ano na nga ba ang buhay ni Lumen o January Isaac sa likod ng kamera?

Credit: Facebook / January Isaac

Sa kasalukuyan ay naninirahan na sa Amerika at may dalawang anak na si January matapos nitong maikasal at maging asawa ang amerikanong si Wade Bodlovic. Una nitong nakilala ang asawa sa California at napiling magpakasal sa Washington noong June 10, 2010.

Credit: Facebook / January Isaac

Naging aktibo si January sa larangan ng sports, katunayan nyan ang dalawa niyang black belt sa Aikido at Taekwondo. Bukod pa rito ay mahilig rin siya sa pangingisda, martial arts, hunting, camping at pagsakay sa kabayo. Nakahiligan rin niya ang baril at shooting kasama ang asawa, naging libangan din ng aktres ang paglilinis ng baril.

Credit: Facebook / January Isaac

Naging pribado ang naging pamumuhay ni January simula nang manirahan sa Amerika. Kasama ng asawa at mga anak ay maayos at aktibo ang buhay nito ngayon sa Amerika. Katulad niya ay mahilig rin ang mga anak nito sa sports. Nagkaroon na rin ng ilang trabaho ang commercial model/aktres sa Amerika. Sinong mag-aakala na si Lumen o January Isaac ay isang kahanga-hangang babae mapa-commercial man o maging sa totoong buhay.

Leave a Reply