Magkakapatid, Nagpagawa Ng Mansyon Para Sa Amang Tricycle Driver At Inang Mananahi

Basta may magulang na nais ang ikabubuti ng mga anak, talaga ngang makakaranas ng siksik-liglig at umaapaw na pagpapala galing din sa kanilang mga anak. Pinatunayan nga ito ng mga magulang na viral ngayon sa social media dahil sa magkakapatid na naging matagumpay dahil sa sipag at tiyaga ng kanilang magulang. Sila ay nagpatayo ng mansyon bilang pagpupugay sa sakripisyo at pagsisikap ng mga ito.

Ayon sa Facebook page ng Peso Sense kung saan nai-post ang kwento ng pamilya, apat silang magkakapatid ang nakapagtapos ng kolehiyo na ngayon ay isa ng elecrical engineer, engineer, math teacher, at mechanical engineer. Ayon sa sender, sa tulong ng dasal, sipag at tiyaga ay nakapasa silang lahat.

Credit: Facebook Page / Peso Sense

“Share ko lang po. Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakiki-boundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tiyaga, ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar. Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Electrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tiyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).”

Credit: Facebook Page / Peso Sense

Lahat ng kwentong pagtatagumpay ay talagang may hirap na pinagdadaanan. Sa pamilya na ito, hindi umano naging madali sa kanila ang pagkamit ng tagumpay dahil tricycle driver lamang ang kanilang ama at mananahi naman ang kanilang ina. Kaya pinagbutihan nga ng mga magkakapatid na manatili sa pagiging scholar para makapagpagaan sa gastusin ng kanilang ama at ina.

Nagawa pa rin nilang makapagtapos “with flying colors”. Sa madaling sabi, lahat ay nakapasa sa mga board exam na kanilang kinuha para maging mga lisensyadong mga propesyonal. Ang nakakabilib pa rito ay isang beses lamang silang nag-take at agad silang pumasa. Dahil dito ay nakapagpatayo sila ng kanilang pinangarap na mansyon.

Credit: Facebook Page / Peso Sense

Nagbalik-tanaw ang panganay na anak sa buhay nila noon na ayon sa kanya ay natutulog silang lahat sa sala ng kanilang bahay at siksikan pa sila. Ngayon sa napakalaki nilang mansyon ay may kanya-kanya na silang kwarto. Malaki nga ang kanilang pasasalamat hindi lang sa kanilang mga magulang kung hindi pati na rin sa Poong Maykapal dahil sa kabila ng hirap nila noon ay hindi sila pinabayaan nito.

Marami sa mga netizens ang humanga sa magkakapatid nang mag-trending ang post sa Peso Sense. Basahin ang kanilang mga komento:

“Sana lahat ng anak ay katulad ninyo na marunong magpahalaga sa hirap na pinagdaan ng mga magulang.”

“Napakabuti ng mga puso nila dahil marunong tumanaw ng utang na loob at mapagmahal na mga anak sila kaya sana lahat gaya nila.”

“Sana all may ganitong mga anak. Masaya’t sobrang proud ang mga magulang. Blessed.”

Leave a Reply