Mag-Asawang Doktor, Proud Sa Tagumpay Ng Tatlong Anak Na Board Topnotchers

Nakaka-proud na makita ng mga magulang ang kanilang mga anak na makapagtapos sa kanilang pag-aaral. Tunay ngang kahanga-hanga ang kanilang naging tagumpay at makita na sinundan ng mga ito ang kanilang mga yapak. 

Maraming mga kwento na atin nang nabasa ang siyang nakapagbigay ng inspirasyon. Kasama na sa mga kwentong ito ang makapagtapos ng pag-aaral, makapasa sa board exam at mag-top pa rito. Ngunit isa ngang nakakamanghang kaganapan na mangyari ang lahat ng ito sa iisang pamilya na pawang medisina ang kinuhang mga kurso. Isang pamilya ng mga doktor ang kamakailang nag-trending sa social media.

Credit: Facebook / Federico Peralta IV

Base sa naging paglalahad ni Dr. Eric Peralta, silang mag-asawa ay parehong doktor. Maging ang kanila ngang tatlong anak ay parehong mga doktor na rin matapos makapasa sa Physician Board Examination. Saan ka pa, diba?

Ayon pa dito, tila nga daw nasa cloud nine silang mag-asawa dahil sa achievements ng kanilang mga anak. “Sobrang happy. We’re on cloud nine. Hindi ko madi-define yung feeling kasi yung isa nagkaroon, yung pangalawa ganun din. Pero ito yung ultimate, finale top 1 pa. Ang sarap ng feeling,” sabi pa ni Ana, ina ng mga ito. “Yung magtaguyod ka lang isang doctor, ang laki na ng hirap na pinagdaanan namin. Pero sinulit nilang lahat yung  pinaghirapan namin,” dagdag pa ng kanilang ama na si Eric.

Credit: Facebook / Ana Eryka Elaine Peralta

Ang kanilang panganay na si Ana Bianca Eloise Peralta ay nag-Top 6 noong Setyembre 2015. Ang pangalawa naman na si Ana Eryka Elaine Peralta ay nag-Top 5 noong Setyembre 2017. Ang bunso at nag-iisang lalaki na si Federico Adriano Peralta IV ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan at nag-Top 1 noong Setyembre 2019.

Credit: Facebook / Ana Eryka Elaine Peralta

Ayon sa panganay na si Bianca, walang nga umanong pressure sa pagkuha ng isang medical na career kahit na ang kanilang mga magulang ay parehong mga doktor. Sinabi pa nga niya na itinuturing nilang magkakapatid na inspirasyon ang kanilang mga magulang.

Credit: Facebook / Ana Eryka Elaine Peralta

Samantala, hinikayat ni Ana ang iba pang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa kabila ng mga trabahong dapat asikasuhin pa. “Give all the support that you can give to your children. No matter how busy you are, find time para talagang masuportahan,” dagdag nya.

Tunay nga na walang tatalo sa pamilyang may suporta sa isa’t isa. Sapagkat ang lahat ng tagumpay ay hindi lamang sa isa sa kanila kundi para sa lahat. Nararapat din natin na bigyan ng oras ang mga pangarap ng ating pamilya para ito makamtan. Sabi pa nga sa isang pamosong kataga, “Ang pamilya ay tulad ng mga sanga sa isang puno, lahat tayo ay lumalaki sa iba’t ibang direksyon ngunit ang ating mga ugat ay nananatili bilang isa.”

3 thoughts on “Mag-Asawang Doktor, Proud Sa Tagumpay Ng Tatlong Anak Na Board Topnotchers

    1. Wow! Congrats proud parents godbless you all ,serve the nation and the people sick need help ,as you serve god promise godbless you all

Leave a Reply