Security Guard, Tinuruang Magbasa At Magsulat Ang Mga Batang Kalye

Ayon kay George Evans, “Every student can learn just not in the same day or in the same way.” Isang pahayag na nagpapatunay na ang bawat tao ay maaring matuto sa iba’t ibang pamamaraan. Hindi ito nasusukat sa edad, estado sa buhay, lugar, tao o pangyayari sa buhay. Ang edukasyon ay naibabahagi at nakakamit ng mga taong may pusong dalisay na naghahangad nito.

Nag-trending sa social media ang larawan ng isang security guard na habang nasa gitna ito ng kanyang trabaho ay abala at matiyagang nagtuturo sa isang batang kalye. Isang mabuting gawa na kung saan ay nagpaantig sa puso ng mga netizens.

Credit: Facebook / John Robert Flores

Si John Robert Flores ang netizen na kumuha at nagbahagi ng larawan na ito online. Ayon sa kanyang pahayag, ay madalas niyang nakikita ang ilang mga kabataan na kasama at tinuturuan ng security guard. Ngunit may mga oras din na iisang bata lamang ang naroon at ito nga ang batang tinuturuan ng security guard sa larawan.

Credit: Facebook / John Robert Flores

Mapapansin sa isang larawan na nag-trending online ang isang security guard na naka-uniporme at halatang nasa oras ng trabaho na matiyagang tinuturuan ang isang batang lalaki sa pagbasa at pagsulat. Napag-alaman na ang nasabing security guard na ito, ay nagdu-duty sa Palawan Pawnshop, malapit sa Arellano University na kung saan ay halos napakaraming tao ang madalas na makikita sa nasabing lugar tulad ng mga vendors at mga taong grasa o kalye na naglalakad-lakad.

Ang mabuting security guard na ito ay nagngangalang Rene Abelita. Madalas turuan ni Rene ang mga bata sa pagsusulat at pagbabasa, kung saan importanteng matutunan ng isang bata. Matiyaga niya itong tinuturuan habang siya ay nasa gitna ng trabaho.

Credit: Facebook / John Robert Flores

Kung ating titingnang mabuti, hindi madali ang trabaho ng isang security guard, dahil sa ang trabahong ito ay mainit, nakakabagot at maari pang malagay sa panganib ang iyong buhay. Ngunit sa kabila nito, naging inspirasiyon ng security guard na ito ang mga bata sa lansangan. Aniya ay mas naging mahalaga ang kanyang trabaho dahil sa tuwing hindi naman siya ganun ka-busy ay nagagawa niyang makatulong sa mga batang kalye.

Credit: Facebook / John Robert Flores

Dahil sa pangyayaring ito, napabilib ng security guard na ito ang netizen na si John Robert Flores. Kaya naman, kinunan nito ng larawan ang security guard na nagtuturo sa mga batang kalye at ibinahagi ang larawan sa social media. Nagbigay din ito ng mga pahayag ng papuri kung gaano niya na-appreciate ang mga ginagawang kabutihan ni manong guard na pagtulong sa pamamagitan ng pagtuturo magsulat at magbasa sa mga batang nasa lansangan.

“Saludo po kami sayo Manong Guard!”

“Galing naman ni Kuya!”

“Seen your efforts to teach kids, salute to you! Always be a blessing to everyone… keep it up po. Stay safe always.”

“Good job, Sir! Pagpatuloy mo yang kabutihang gawa mo… God bless.”

Credit: Facebook / John Robert Flores

Ang mga ganitong pangyayari ang nagpapatunay na hindi kailangang may sinabi ka sa buhay upang ikaw ay makatulong sa iba. Dahil tulad ng ginawa ni Manong Guard, sa simpleng pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa mga batang kalye ay isang malaking ambag na rin ito sa mga buhay ng mga bata. Ito ay maaari pang maging daan upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan.

Leave a Reply