Ryzza Mae, Ang Kinagiliwang ‘Aling Maliit’ Noon, Dalaga Na Ngayon

Si Ryzza Mae Dizon ay isang aktres at TV host na mas kilala natin bilang Aling Maliit. Nagsimula siyang makilala noong manalo siya sa “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga noong taong 2012.

Dahil sa angking galing at pagiging bibo nito, maraming manonood ang natuwa at lubos na humanga sa kanya. Ang taglay nitong charm sa mga netizens at pagiging madaldal ang nagbigay sa kanya ng maraming fans at sunod-sunod na proyekto.

Credit: Instagram / ryzzamaedizon

Sa edad na pitong taong gulang ay nagsimula na nga ang kanyang karera sa showbiz industry. Nagsimula sa pagiging host ng Eat Bulaga hanggang sa mapasama ito sa mga pelikula ni Vic Sotto at kalaunan ay nagkaroon na rin ng sarili niyang pelikula na pinamagatang “My Little Bossing” noong 2013.

Bukod sa ibat-ibang pelikula na ginanapan niya ay nagkaroon din siya ng sarili niyang talk show na “The Ryzza Mae Show” na napapanuod noon araw-araw tuwing tanghali bago umere ang Eat Bulaga. Mas naipakita dito ni Ryzza Mae ang kaniyang talento sa pagho-host at galing sa pakikipag-usap sa ibat-ibang artista na kanyang naging mga guests. Naging matagumpay ang kanyang talk show na tumagal nga ng dalawang taon.

Credit: Instagram / ryzzamaedizon

Nakapagpasikat rin si Aling Maliit ng mga kanta tulad ng Cha-Cha Dabarkads at Look Up na sumikat at sinabayan ng maraming netizens lalo na ng mga bata. Masasabi ngang malayo na rin ang narating ni Ryzza Mae sa industriya ng showbiz sa kabila ng kanyang murang edad.

Marami na rin siyang napanalunang awards dahil sa kaniyang talento at pagsisikap. Kaya naman hindi kataka-taka ang pagkakaroon niya at ng kanyang pamilya ng komportableng buhay ngayon. Dahil sa kaniyang pagsisikap ay nakapagpatayo na siya ng bahay at nakakatulong na sa kanyang pamilya.

Credit: Instagram / ryzzamaedizon

Tila kay bilis nga ng panahon dahil ang Aling Maliit noon ay dalaga na ngayon. Ang child star ng GMA at baby ng Eat Bulaga ay 16 years old na at malaki na ang pinagbago sa kanyang itsura.

Maraming netizens nga ang nagulat dahil sa malaking pagbabago ni Ryzza Mae. Hindi na ito ang dating maliit at makulit na host ng Eat Bulaga, kundi isa na ngang dalaga na pala-ayos at maporma tulad rin ng ibang kabataan ngayon. Makikita nga sa kanyang mga instagram posts ang pagdadalaga ni Ryzza Mae, na kinomentuhan ng mga kapwa nya Eat Bulaga host at ng mga netizens.

Credit: Instagram / ryzzamaedizon

“Luh ang gondooo” komento ni Paolo Ballesteros.

“Ito yung gandang hindi mo palalampasin eh” sabi naman ni Allan K.

“Ay o” dagdag pa ni Pauleen Luna-Sotto.

“Hala dalaga na ang Aling Maliit.”

“Ganda ng dalagang Pilipina.”

“Ayy kabog!!!”

“Pretty woman.”

“Aling Maliit noon. Aling Dalagang Maganda na ngayon.”

Credit: Instagram / ryzzamaedizon

Ilan lang yan sa mga komento ng netizens sa pagdadalaga ni Ryzza Mae ngayon. Sa ngayon ay abala siya sa kaniyang Youtube channel. Dahil nga sa pandemya ay nalimitahan ang kaniyang pagiging host ng Eat Bulaga. Ngayon ay pinagkakaabalahan niya ang pagba-vlog upang mapanatili ang kaniyang pagiging aktibo sa publiko at maibahagi ang mga kaganapan sa kanyang buhay.

Leave a Reply