Si Bang Hyun Sung o mas kilala bilang “Ryan Bang” dito sa Pilipinas ay isang television host, comedian at actor. Nagsimula ang kaniyang showbiz career dito sa Pilipinas nong 2010 nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010.”

Lingid sa kaalaman ng marami, ang masayahing host ng It’s Showtime ay may kalungkutan rin pala sa kaniyang buhay. Si Ryan Bang ay nag-iisang anak ng kaniyang inang naiwan sa South Korea, kung saan siya lumaki at tinaguyod ng mag-isa. Single mother ang kaniyang ina at wala siyang nakagisnang ama habang lumalaki. Hindi naging maayos ang relasyon ng kaniyang mga magulang kung kaya’t maaga itong naghiwalay.

Ibinahagi nga ni Ryan sa nagdaang Zoom Presscon para sa kaniyang bagong pelikula na “Mommy Issues” ang ilang bagay patungkol sa kaniyang personal na buhay, lalo na sa kaniyang ina na mag-isa na ngayon sa buhay. Ang aktor ay isa pa lang mabait at mapagmahal na anak sa kaniyang ina. Ayon sa kaniya, single mom ito at wala siyang kinalakihang ama. Kaya naman lumaki talaga siyang malapit sa kaniyang ina at hindi nakakalimot na ipakita ang pagmamahal dito.

Kwento naman ni Ryan ay nagkaroon raw ng boyfriend ang kaniyang ina, ngunit hindi niya ito matanggap noong una. At nang dumating na ang panahon na natanggap niya na ito ay tsaka naman daw naghiwalay ang dalawa. Pag-amin pa ni Ryan, ay naiintindihan niya ang pagbo-boyfriend ng kaniyang ina dahil na rin umano sa sitwasyong mag-isa lamang ito sa South Korea at naghahanap ng lambing at pagmamahal.

Samantala, dahil sa nasabing panayam ay nabunyag din ang patuloy na pagbibigay ni Ryan ng cash allowance sa kaniyang ina habang siya ay nasa Pilipinas at ito ay nasa South Korea. Ayon sa isang malapit na kaibigan ni Ryan, ay hindi ito nagpapalya sa pagpapadala ng pera sa kaniyang ina. Sinabi nga ni Ryan na lagi siyang nagbibigay ng deposit sa kaniyang ina. Ang perang ito ay para sa mga araw-araw nitong pangangailangan at gastusin at pati na rin umano sa gamot nito.

Kwento nga ni Ryan, ay madalas raw tumawag ang kaniyang ina sa kaniya dahil nami-miss siya nito at nalulungkot. Nilinaw naman ni Ryan na hindi daw ito tumatawag para humingi ng pera kahit kailangan nito ng pera. Maraming netizens ang humanga sa taglay na kabaitan at pagmamahal na ipinakita ni Ryan sa kaniyang ina, dahil hindi daw madaling malayo sa pamilya at hindi lahat ng anak ay kayang suklian ang magulang.
Ito ang ilan sa mga naging komento ng netizens:
“Very good Ryan Bang. You are a loving son to your mom, good job.”
“God will shower you with more blessings.”
“God bless you, Ryan. Ang bait mo sa Mama mo.”
“Mapapa-sana all ka na lang talaga eh.”
“You really are so funny Ryan Bang. And good to see how you love and respect your Mom.”

May isa namang netizen ang nagpaliwanag na parte daw ng kulturang Koreano ang pagbibigay ng mga anak ng cash allowance sa kaniyang magulang, ngunit itinatago raw ito ng magulang at ibabalik sa anak kapag ikakasal na ito. Ano pa man ay hindi maitatanggi ang pagiging mabuting anak ng aktor na si Ryan Bang sa kaniyang ina. Hindi biro na kunin ang responsibilad na naiwan ng kaniyang ama para itaguyod ang sarili at tulungan ang kaniyang ina. Masasabi nating napalaki si Ryan ng maayos at may pagmamahal ng kaniyang ina sa kabila ng pagiging single mom nito.
I hope maging matagumpay ka pa sa career mo dito SA pinas maraming pagsubok dito.