Tatlong Pilotong Pinay, Matagumpay Na Napalipad Ang Airbus A330 Mula Riyadh Pauwi Ng Manila

“Women Empowerment!”

Ikinabilib ng netizens ang mga Pilipinang piloto na ito na ngayon ay talagang ipinapamalas at inaangat ang kakayanan ng mga kababaihan. Sila lang naman ang mga kababaihang nagpalipad ng isang Commercial Flight mula Saudi pauwi ng Pilipinas.

Credit: Facebook / Cielo Villaluna

Oo, tama ang nababasa ninyo… mga kakababaihan! Sa panahon ngayon, tila naging bukas na ang pananaw ng mga tao tungkol sa kakayahan ng mga babae na kaya rin nilang gawin ang ginagawa ng mga lalaki.

Kung noon ay mababa lamang ang tingin sa mga kababaihan at itinuturing lamang sila bilang simpleng asawa na laging nasa tahanan, ngayon ay makikita na sila sa ating lipunan na may pantay na opurtunidad katulad ng mga kalalakihan.

Credit: Facebook / Cielo Villaluna

Halimbawa nito ay ang flight deck crew ng Philippine Airlines (PAL), kung saan ay nakakagulat na puro babae ang nagtatrabaho rito hindi bilang flight stewardess kundi bilang mga piloto.

Noon ngang October 14, 2020 ay nagkaroon ng all female flight deck crew ang flight PR8655 mula Riyadh hanggang Manila kung saan ito nga ay may flag carrier na Airbus A330.

Credit: Facebook / Cielo Villaluna

“Our lady pilots are thrilled!”

Ang proud na pagmamalaki ni Spokesperson Cielo Villaluna sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho at itinuturing na mga kaibigan. Kaya talaga namang nakaka-proud na sa kasalukuyan bumabalik na ang pakikipagsabayan ng mga kababaihan sa mga kalalakihan hindi lang sa lupa kundi pati sa himpapawid.

Credit: Facebook / Cielo Villaluna

“This flight brightened up my day and made me forget about my worries. A flight attendant and a former military female pilot. Wow, thank you ladies for sharing this beautiful sky with me. A flight full of hope and positivity, sisterhood, wisdom and faith. A milestone moment to be proud of,” dagdag na pahayag ni Spokesperson Cielo.

Totoo namang kahanga-hanga ang pangyayaring ito dahil sanay tayo na mga kalalakihan ang mas binibigyan ng pagkakataon na magmaneho ng eroplano at sa katotohanang isa itong mapanganib na trabaho.

Credit: Facebook / Cielo Villaluna

Dahil nga rito umani ng mga papuri mula sa netizens ang ating mga Pinay pilots:

“The great women of the Philippines.”

“Mahusay at magaling talaga ang mga Pinay!”

“Mabuhay kayo mga mamshiiii!”

“Congratulations!”

Ilan lang yan sa mga komento ng mga netizens na lubos na humanga sa ating mga Pinay pilots.

Credit: Facebook / Cielo Villaluna

Kaya sa mga nagbabalak pa lamang na maging piloto ngunit nag-aalinlangan dahil sila ay babae, huwag mangamba dahil kitang-kita naman natin na may mga organisasyon na ngayon na tumatanggap ng kahit ano pang kasarian sa anumang larangan na iyong nais.

Isa lamang itong patunay na hindi hadlang ang kasarian ng isang tao sa kanyang kakayanan. Sabi nga sa isang kasabihan, “kung kaya mo, makakaya ko din.”

Leave a Reply