9 Na Taong Gulang Na Bata, Binenta Ang Mga Medalya Para Makatulong Sa Ina

Sa pagpasok ng pandemya sa mundong ating ginagalawan ay madami ang nawalan ng hanapbuhay, madaming mga empleyado ang natanggal sa trabaho, at madaming negosyo ang nagsara sa takot ng mga nagmamay-ari nito na baka madapuan sila ng sakit na kinatatakutan ngayon ng buong mundo. Dahil dito, isa ang pamilya ng siyam na taong gulang na si Kenneth Mendoza sa libo-libong pamilya na nakararanas ng sobrang kahirapan dahil sa pandemya.

Credit: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Bago pumasok ang krisis na kinakaharap natin ngayon ay nagtatrabaho bilang isang Lady Guard ang ina ni Kenneth na kinilalang si Cheryl Mendoza, ngunit dahil sa pagkakatanggal ng kanyang ina sa trabaho ay mas lalo silang nabaon sa utang at sumabay pa ang pagkakasakit nilang mag-iina. Isang post sa Facebook ang nag-trending dahilan upang mapansin ng isang programa sa GMA-7 na ‘Kapuso Mo Jessica Soho’ ang kwento ng buhay nina Kenneth.

Credit: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

“Medals ko po. Bente-bente lang po. Salamat po,” turan ng siyam na taong gulang na si Kenneth. Naisipan niyang ibenta ang kanyang mga medalya sa mababang halaga kahit pa nga ito ay mahalaga sa kaniya. Nabanggit ng ina ni Kenneth na sa kasalukuyan ay namamasukan ito bilang kasambahay.

Credit: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

“Itong krisis po sobrang hirap po. Sunod-sunod kaming nagkasakit. Nabaon ako sa utang. Sabi ko nga, ayokong magkasakit ang anak ko. Syempre nanay ako eh, mas masakit sa akin yun. Bawal din ako magkasakit, dahil paano sila kapag nakahiga ako? Hindi pwedeng umasa kahit kanino, kailangan babangon ako. Kailangan bumangon.” Kapalit ito ng oras na makasama ang kanyang mga anak. Sapagkat isang beses lamang kung sa isang linggo maaring makauwi ito sa inuupahan nilang tahanan.

Credit: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Sa kabilang banda, para sa siyam na taong gulang na si Kenneth ay mas gugustuhin pa niyang makasama ang kaniyang ina kaya’t kahit na mahalaga sa kaniya at bunga iyon ng kanyang pinaghirapan sa iskwelahan ay ibinenta niya pa din ang kanyang mga medalya kahit sa mababang halaga upang kahit papaano ay makatulong sa kaniyang ina.

Credit: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

“Nahihirapan na po ako pag nahihirapan si Mama. Iniisip ko lang kung makakabayad kami ng bahay. Kasi kung hindi kami nagbayad, palayasin kami dito. Naisip ko po ibenta po ang mga medals ko. Kasi kapag pinatagal ko pa dun sa lagayan baka po mangalawang. Pero pinaghirapan ko po yon.”

Credit: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Dahil sa kumalat na Facebook post tungkol sa sitwasyon nina Kenneth ay napansin ito ng programang ‘Kapuso Mo Jessica Soho’. Pinuntahan at binigyan nila ng tulong ang pamilya nina Kenneth. Tulong pinansyal maging sa mga kagamitan na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Binigyan din sila ng programa ng laptop at broadband upang magamit ni Kenneth sa kaniyang pag-aaral.

Credit: Facebook / Kapuso Mo, Jessica Soho

Tunay ngang napakahalaga ng oras para sa pamilya, gaya ni Kenneth mas gugustuhin nating nasa ating piling ang ating mga mahal sa buhay. Ngunit isang patunay ang kwento ng mag-anak na ito na lahat ay magiging magaan kung inaalala natin ang isa’t isa dahil sa pamamagitan nito ay nabibigyan tayo ng panibagong lakas para magpatuloy sa buhay.

Leave a Reply