Cuteness overload nga ang ipinamamalas ng batang si Lilo sa social media ngayon. Anak si Lilo ng aktres na si Andi Eigenmann at international surfer Philmar Alipayo. Makikita sa murang edad ni Lilo ang pagiging bibo nito.

Ilan ngang netizen ang nakapansin sa tila natural na pagkilos nito sa camera partikular sa mga video o vlogs nilang pamilya. Trending ang bawat litrato ni Lilo na ibinabahagi ng ina nitong si Andi. Masasabi ngang mana ito sa ina dahil nga sa komportable nitong pagharap at pagsasalita sa harap ng camera. Maraming netizens ang aliw na aliw at cute na cute sa batang si Lilo. Umaabot nga ng libo-libong likes at heart reacts ang mga larawan nito sa social media. Makikita sa bawat larawan ni Lilo ang matamis nitong ngiti.

Tuwang-tuwa naman ang mga fans at netizens sa tila panggagaya nito sa ina lalo na kapag gumagawa ng vlogs sa kanilang YouTube channel na ‘Happy Islanders’ at ginagaya ang pagsasalita ng ina ng “Hi guys”. Ibinahagi din kamakailan ni Andi ang larawan ng anak na si Lilo kung saan nag-aaral na itong magbalanse upang matuto rin ng surfing. Ani Andi sa naturang Instagram post: “The kids have already been showing interest in the same sports we love, and it’s been really exciting! Here is Lilo getting her groove on a balance board. Who knows, maybe she’ll be just as good as papa when she grows up. Or even better? Hehe—only if she wants of course.”

Game na game nga si Lilo sa larawang ito na nakatayo sa balance board at maingat na nagbalanse hawak ang kamay ng amang si Philmar. Madalas ding laman ng instagram post ng aktres na si Andi ang anak na si Lilo. Sa mga post ng aktres ay makikita ang malayang pag-explore ng batang si Lilo sa mga simpleng bagay sa paligid. Mensahe ni Andi kay Lilo:

“Little Lilo, you were born to dance to the beat of your heart; to roam without cages; with the innocence of a child and the free spirit of untamed horses; I hope you laugh without stopping, live with abandon, and love like that’s all there is; stay wild, my wild wild child.”

Hindi nga nakapagtatakang lalaking matalino at bibo si Lilo sapagkat maayos at maganda ang itinuturo ng aktres sa mga anak. Kung saan itinuturo ni Andi ang pagyakap sa bawat simpleng bagay maliit man o malaki, nang sa gayon ay maging masaya at kaisa ng bawat nasa paligid nito.