Bimby, Inulan Ng Positibong Komento Hinggil Sa Pagtatanggol Sa Kanyang Inang Si Kris

Si James Carlos Aquino Yap Jr. o mas nakilala bilang si ‘Bimby’ ay anak ng aktres na si Kris Aquino at basketball player na si James Yap.

Sino nga bang hindi makakakilala kay Bimby na bukod sa pagiging anak ng isang aktres at TV host ay nagmula rin siya sa sikat na angkan ng mga politiko. Nasubukan na rin niyang mag-artista at gumanap sa mga pelikula at ilang mga commercials sa telebisyon.

Credit: Instagram / krisaquino

Ngunit ang buhay ni Bimby ay hindi lang puro kasiyahan at liwanag. Nakakalungkot mang isipin ay palagi siyang laman ng mga panghuhusga at tsismis. Sa edad na 14 years old ay marami ng karanasan si Bimby sa mga kritisismo at isyu tungkol sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang ina na si Kris Aquino.

Sa madalas na mga isyu na kinakaharap nila ay lumaki si Bimby na palaging pinoprotektahan ang kanyang ina sa media at mga mapanghusgang tao. Ang mga panghuhusga na laging natatanggap nila ay hindi naging hadlang para lumaki siyang maayos na bata.

Credit: Instagram / krisaquino

Nito lamang ay pinuri siya ng mga netizens dahil sa kumalat na video sa social media kung saan ay bumaba ang kaniyang ina na si Kris sa sasakyan para kumaway sa mga taga-suporta at nagpakita ng pakikiramay sa pagkawala ng kanyang kuya at dating presidenteng si Ninoy Aquino III.

Ang video ay may caption na “Bugbog sa pangbu-bully ng karamihan ng Pilipino pero sinampal mo sila ng respeto at katotohanang sila ang may bulok na pag-uugali.”

Credit: Instagram / krisaquino

Sinamahan nga ni Bimby ang kaniyang ina at lumabas rin siya ng sasakyan para kumaway sa mga tagasuporta at magpakita ng pasasalamat sa mga nakiramay sa pagkamatay ng kaniyang tiyuhin. Inalalayan niya naman pabalik ng sasakyan ang kaniyang ina na nagpakita ng pagprotekta at pagmamahal niya rito.

Sa mga panahong nagluluksa silang lahat sa pagkamatay ng kaniyang tiyuhin ay hindi kailanman umalis si Bimby sa tabi kaniyang ina. Palagi itong nakasunod at nakaalalay sa tabi nito. Ang video na ito ay umabot na ng mahigit limang milyong views at inulan ng positibong komento mula sa mga netizens.

Credit: Instagram / krisaquino

“Sobrang mahal ni Kris si Bimby kaya yun din ang ibinabalik ni Bimby sa kanya, maswerte si Kris bilang ina kasi lumaki siyang mabait, responsable at mapagmahal na anak at kapatid.”

“Super bait nitong batang ito sa kanyang ina, malamang mabait din ito sa kapwa niya, maganda kasi pagpapalaki sa kanya.”

“Mabait, matalino at magalang ang batang yan.”

Credit: Instagram / krisaquino

“Salute sayo Bimby isa kang mabait na anak.”

“Pinakita lang ni Bimby na well-educated siya na pinalaking marunong rumespeto sa tao.”

“Continue to be a sweet and loving son to your mom Bimby! It’s any parents’ happiness to be valued and cared for by their son.”

Credit: Instagram / krisaquino

Hindi maitatanggi na lumaking mabuting bata si Bimby. Kahanga-hanga na sa kabila ng mga batikos at isyu na ibinabato sa kanya at kanilang pamilya ay pinili niyang maging maayos at marespetong bata. Hindi niya rin kailanman pinabayaan ang kaniyang ina, makikita na lagi nyang ipinagtatanggol sa mga nanghuhusga ang kaniyang ina at pati na rin ang kanyang Kuya Josh.

Credit: Instagram / krisaquino

Nakakatuwa na sa murang edad ay mature na ito at hindi pinapatulan ang mga taong walang masabing maganda, sa halip ay pinapakitaan niya pa ito ng kabutihan.

Leave a Reply