Proud Kasambahay, Nagsikap At Nagtapos Sa Kolehiyo Ng Magna Cum Laude

Lumaki sa hirap si Jarel Barcelona Tadio, mula sa Tuguegarao, Cagayan City at isa sa mga pangarap niya ay makapagtapos sa kolehiyo. Kahit mahirap ang kanilang sitwasyon hindi ito naging hadlang para makatungtong siya sa kolehiyo. Kamakailan lang, nakamit na nga niya ang kaniyang pangarap at ibinahagi niya ang bunga ng kaniyang paghihirap bilang isang Magna Cum Laude.

Credit: Facebook / Jarel Barcelona Tadio

Nag-trending ang Facebook post ni Jarel na may caption kung paano niya nalagpasan ang kahirapan habang pinagsasabay ang pag-aaral at ang trabaho bilang kasambahay. Nagsimula siyang mangarap nang mapagtanto na iba ang estado niya ng pamumuhay sa ibang bata na nakilala niya pagkabata. Sa kabilang banda, hindi para sa sarili niya ang pangarap na binuo kundi para sa kanyang pamilya.

Credit: Facebook / Jarel Barcelona Tadio

Aniya “Wala. Wala akong gustong maging in the future ko. Basta maayos ko lang ang buhay nina Mama, ok na ako.” Nang makapagtapos siya ng high school, napagdesisyunan niya na pumasok bilang kasambahay para suportahan ang kaniyang pag-aaral.

Kwento niya, gusto siyang suportahan ng kaniyang magulang ang kaniyang pag -aaral, “Isang araw kinausap ako ng Mama ko, ang sabi niya: ‘Nak susubukan naming suportahan ang inyong pag-aaral Anak, gagawa kami ng paraan.'” Sa halip ito ang naging tugon ng binata, “‘Wag na Ma, malulubog lang tayo sa utang.”

Credit: Facebook / Jarel Barcelona Tadio

Kaya naman, ito ang nag-udyok sa kaniya na mamasukan bilang kasambahay at kailanman hindi niya ikinahiya ito. “Namasukan ako bilang maid. Pero taas noo ako sa naging trabaho ko.  Marangal yun. At ang masaya dun, libre na tuluyan, libre pa pagkain, libre meryenda, libre tv, libre pa cable, libre wifi. San ka pa?” saad nito.

Hindi naging madali ang pagiging working student ni Jarel ngunit kinaya niya dahil may pangarap siya para sa kanyang pamilya. Time management ang naging diskarte niya para mapagsabay ang pag-aaral at trabaho. Ibinahagi naman ng kanyang amo na kung minsan daw ay dala nito ang kanyang reviewer habang siya ay nagluluto. Sadyang kakikitaan daw ito ng sipag at sikap si Jarel.

Credit: Facebook / Jarel Barcelona Tadio

Nagbunga naman ang kanyang pagod at pagsisikap nang siya ay naparangalan bilang Magna Cum Laude sa kanyang pagtatapos. Ito ay inialay niya sa kanyang mga magulang na nagsilbing inspirasyon niya na harapin ang hamon sa buhay sa murang edad. “Mapapagod pero hindi susuko. Masusugatan pero hinding-hindi aayaw. Mabibigo pero hindi bibitaw.”

Credit: Facebook / Jarel Barcelona Tadio

Hindi hadlang ang hirap ng buhay upang maabot ang mga pangarap at tunay na inspirasyon sa ating lahat ang kwento ng kanyang buhay.

One thought on “Proud Kasambahay, Nagsikap At Nagtapos Sa Kolehiyo Ng Magna Cum Laude

Leave a Reply