Proyekto Ni Bea Alonzo Kasama Sina John Lloyd Cruz at Alden Richards, Inaabangan Na

Naging kontrobersyal nga ang paglipat ng Kapamilya actress/endorser na si Bea Alonzo. Isa si Bea Alonzo sa mga kilala at sikat na aktres na nakilala at napanood sa mga teleserye, commercials, at mga box office hits na pelikula. Hindi nga maikakaila na kasama si Bea sa mga in-demand na aktres sa mundo ng showbiz.

Kilala rin ang aktres sa pagiging Box Office Queen nito dahil sa mga pinilahan at pinagkaguluhang pelikula nito na kumita ng milyong-milyong piso. Hindi rin lingid sa mga fans nito na ilang taon siyang solid Kapamilya.

Credit: Instagram / beaalonzo

Ngunit nitong nakaraan ay ginulat ng aktres ang publiko sa biglaang paglipat nito sa GMA Network. Maraming netizens at fans nga ang nagulat at nabigla sa balitang ito dahil matagal na ang aktres sa poder ng ABS-CBN. May mga netizens pa nga na hindi naiwasang maglabas ng negatibong komento laban sa aktres. Subalit sa kabila nito may mga fans at netizens din naman na excited at masaya para sa magiging karera ng aktres sa Kapuso channel.

Credit: Instagram / beaalonzo

Sa paglipat ng aktres ay mainit siyang sinalubong ng big bosses ng GMA Network at nangako na bibigyan ng magagandang proyekto. Naitampok na rin ang aktres sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan ipinakita niya ang pamumuhay sa bagong biling farm. Makikita rin sa aktres ang kasiyahan sa naging desisyon lalo na at ginawa naman niya ito para sa kanyang pamilya.

Credit: Instagram / beaalonzo

Samantala sabik na sabik na ang mga fans ni Bea na mapanuod ang mga espesyal na proyekto ng GMA Network para sa aktres. Ilan nga sa mga netizens ang nagsasabing nais nilang magtambal muli ang John Lloyd-Bea love team o kilala rin sa sikat nilang karakter na Popoy at Basha. Maraming fans din ang aminado na miss na miss na nila ang tambalang ito.

Credit: Instagram / beaalonzo

Bukod rito, isa rin sa napipisil na makatambal ni Bea Alonzo ang Kapuso actor na si Alden Richards na kilala ring mahusay na aktor. Matatandaang minsan nang nakitang magkasama si Bea at Alden sa isang patalastas ng shampoo. Dahil rito may mga fans na nakitaan ng posibilidad na magandang maging magka-love team ang dalawa sa isa pang proyekto. Hindi na nga imposibleng mangyari ito dahil ngayon ay opisyal ng Kapuso ang dating Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Credit: Instagram / beaalonzo

Umaasa naman ang fans at supporters ng aktres na sa paglipat nito sa GMA Network ay magkakaroon ito ng magagandang palabas o proyekto at hindi masayang ang paglipat nito sa kabilang istasyon.

Leave a Reply