Jaya, Masaya Nang Naninirahan Kasama Ang Pamilya Sa Amerika

Tuluyan nang lumipad papunta sa United States si Maria Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc aka ‘Jaya’ kasama ang kanyang dalawang anak. Ang kanyang asawa naman ay nauna nang lumipat sa US ilang buwan na ang nakalipas.

Para sa kanya, hindi naging madali ang desisyon niyang tumira na sa Amerika for good lalo na’t marami pang umaaasa na muli nilang maririnig ang boses niya at ang mga kanta nito.

Cornerstone Entertainment
Credit: Cornerstone Entertainment

Isa pa rito ang nabuo niyang samahan sa showbiz mapa-GMA hanggang ABS-CBN nang kunin siya bilang isang hurado sa Tawag ng Tanghalan sa Showtime.

Credit: Instagram / jaya

Sa kanyang post sa Instagram, kasama sa larawan ang kaniyang dalawang anak habang nasa airport. Ibinahagi niya ang excitement sa ideyang magiging kumpleto na ang kaniyang pamilya. Ayon sa kanya, ito raw ay bagong yugto ng kanilang buhay ayon sa plano ng Panginoon.

Nagpasalamat rin siya sa mga taong nag-iwan ng messages sa kanya mapa-Facebook Messenger, Instagram, Twitter, Text at Viber Messages. Aniya, “By the way I just want to thank you to all of you who sent me sweet messages on FB, Messenger, IG, Twitter, text and Viber messages, have me and the kids hugs, prayers, basta lahat po ng mga sinabi n’yo ay nakakataba ng puso and I will always be grateful.”

No description available.
Credit: Instagram / jaya

Hindi rin niya maiwasang malungkot sa pangyayaring lilisanin na niya ang Pilipinas. “P.S. My throat hurts from swallowing because it stops me from crying.” Dugtong pa niya “Pero ok lang, marami akong bitbit na alaala, baon ko para sa sandaling maisip ko ang lungkot, maaalala ko na naging masaya at maayos ang aking inilagi dito.”

Sa pamamagitan ng video call, maraming kapwa niya celebrities ang bumati at nag-iwan ng mensahe gaya na lang nila Gary Valenciano, Miggs Cuarderno, Diva Montelaba, Julie Anne San Jose, Sheena Halili, Angeline Quinto, Darren Espanto, Rochelle Pangilinan, at Lotlot de Leon na halos puro kapwa niya singer.

Credit: Instagram / jaya

Dumadagdag pa rito ang matalik niyang kaibigan sa showbiz, ang mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Walang sawang pasasalamat ang nasabi niya sa iba pang showbiz friends at fans na nagpakita ng suporta at kahilingan na maging masaya siya sa future.

No description available.
Credit: Instagram / jaya

“I guess I’m saying goodbye to everyone right now. I’m just saying thank you and basta, balik na lang ako ‘pag open na lahat,” message niya sa isang video.

“Sa lahat ng friends ko, thank you. Sa lahat ng fans, sa lahat ng mga nakatrabaho ko, sa lahat ng mga naging boss ko, mga managers ko, sa lahat, thank you very much.”

“Until next time.” Mga huling salita na narinig mula kay Jaya bago siya lumipad pa-Amerika.

Leave a Reply