Andi Eigenmann, Proud at Masayang Namumuhay Sa Isla Ng Siargao

Kuntento, masaya at wala ng mahihiling pang iba—ito ang makikita sa aktres na si Andi Eigenmann sa paninirahan nito sa isla ng Siargao. Isang masaya at buong pamilya nga ang taglay ng aktres ngayon kaya naman nag-uumapaw ang kasiyahan nito, na kitang-kita naman sa bawat larawan na ipino-post nito sa kanyang social media accounts.

Credit: Instagram / andieigengirl

Madalas nitong ipinakikita sa mga larawan ang ganda ng isla ng Siargao. Maging ang mga anak nito ay masayang-masaya sa pamumuhay ng simple. Maituturing umano niyang isang pangarap ang paninirahan rito. Kamakailan lamang ay nag-post ang aktres ng kanyang simpleng ‘birthday celebration’ na may caption na:

Credit: Instagram / andieigengirl

“I started my 31st year of life on Cloud 9 (literally)! I was woken up by a mananita on my first birthday on the island (a dream) we awaited the sunrise at the best place to do so, had breakfast, prepared Nanay’s spaghetti for lunch and happily enjoyed the ‘handaan’ that Papa, Angie, Auntie Marilyn and Uncle Epong had prepared for me! I usually do all the preps for my bdays back home, so this was different, but such a fun and memorable celebration nonetheless!”

Credit: Instagram / andieigengirl

Nagpasalamat din ang aktres sa naging pamilya niya sa isla at maging sa mga kapamilya at kaibigan nito na hindi man kasama sa simpleng selebrasyon ay tumawag at nagbigay sa kanya ng mensahe ng pagbati sa kanyang kaarawan. Gayundin pinasalamatan niya ang kanyang Nanay sa regalo ng magandang buhay at sa kanyang pamilya na nagbibigay dahilan sa kanya na patuloy na mabuhay. Umabot sa 135k naman ang naging like reacts ng nasabing instagram post.

Credit: Instagram / andieigengirl

Masaya rin ang aktres dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan kahit pa nga may nauna na siyang naging kaibigan ng dumating sa isla. Ibinahagi rin ni Andi na hindi lamang siya ang nakabuo ng pamilya at kaibigan sa islang ito kundi pati na rin ang mga anak nito. Palagi rin umanong kalaro ng mga anak niya ang mga batang nakilala nila sa isla.

Credit: Instagram / andieigengirl

Kita nga sa larawan kung gaano kasaya ang mga anak ni Andi kasama ang ibang bata habang naliligo sa swimming pool. Sa instagram din ibinabahagi ng aktres ang mga paborito nitong inumin at pagkain sa isla. Maging ang mabilisang paglabas kasama ang mga anak at asawa nitong si Philmar.

Credit: Instagram / andieigengirl

Hindi nga naman mapapantayan ng kahit na anumang bagay ang kasiyahan at pagiging kuntento ng aktres na si Andi Eigenmann, malayo man sa kinagisnang buhay sa harap ng kamera.

Leave a Reply