Astiging Lalaki, Nag-Trending Nang Makitang Bumili Ng Napkin Para Sa Asawa

Ang pagbili ng ‘sanitary pads’ o ‘napkin’ ay karaniwang ginagawa ng mga kababaihan dahil sila naman talaga ang gumagamit nito lalo na sa tuwing sila ay may dalaw. Ngunit kung isang lalaki ang makikitang may hawak at bumibili ng napkin ay sadyang ito ay nakakagulat at nakakatawang tingnan para sa marami.

Credit: The Guardian

Hindi pangkaraniwan sa isang lalaki ang makitaan ng napkin lalo na at nakakahiya ito para sa kanila. Kaya naman agad na nag-trending ang isang astiging lalaki ng makita ng mga netizens ang larawan niya habang bumibili ng napkin sa isang convenience store.

Credit: Facebook / E-v Delmundo

Ibinahagi ni ‘E-v Delmundo’ sa kaniyang Facebook post ang larawan niya na puno ng tattoo sa magkabilang braso at mga binti, habang siya ay nakapila sa convenience store at may hawak na napkin at perang pambayad nito.

Si E-v ay isang tattoo artist at ang larawan na kaniyang ibinahagi sa kaniyang Facebook ay kuha ng kaniyang kaibigan at kapwa tattoo artist na si ‘CaLe DelaPaz’ na kasama niya noon sa convenience store nang mautusan siya ng kaniyang asawa na bumili ng napkin.

Credit: Facebook / E-v Delmundo

Nilagyan pa ito ni E-v ng nakakatuwang caption na:

“Yung pa’astig-astig kang tingnan, tapos uutusan ka lang ng asawa mo na bumili ng napkin niya.”

Ikinatuwa nga ito ng kaniyang kaibigan na si CaLe kaya siya kinuhaan ng larawan. Mapapansin rin sa larawan na parang tinatago pa ni E-v ang hawak niyang napkin sa kaniyang likod, na tila ba ay nahihiyang makita siyang bumibili nito.

Dahil sa hindi pangkaraniwan ang larawan na ito, ay agad itong nag-trending at umani na ng halos 22k reactions. Bumuhos rin ng pagkamangha at mga biro ang naturang post at ito ang ilan sa mga ito:

“Yan ang totoong lalaki!”

“That’s awesome… Astig!”

“Yun si kuya, masunurin sa wife niya.”

“Yan ang tunay na TIGASIN, TIGA-saing, TIGA-laba, TIGA-bili ng napkin.”

Credit: Facebook / E-v Delmundo

Mukha mang astigin si E-v dahil sa kaniyang mga tattoo, ipinakita niya naman ang malambot niyang puso pagdating sa kaniyang asawa. Sa kabila ng pagiging tigasing lalaki siya ay malambot naman pagdating sa kaniyang asawa.

Pinatunayan lamang ni E-v na hindi lang nasusukat ang pagiging astig sa pagkakaroon ng maraming tattoo, kundi pati na rin sa pagsunod mo sa taong mahal mo kahit nakakahiya pa ito.

Credit: University of Utah Health

Siguradong ang asawa niyang binilhan niya ng napkin ay tiyak ang pasasalamat sa kaniya at mas lalo pa siyang minahal. Lingid sa kaalaman ng marami, lalo na sa mga kalalakihan na ang buwanang dalaw ng mga babae—mapa-asawa, nobya, anak, kapatid o nanay man yan ay sobrang napakahirap para sa kanila. Ito ay hindi komportable at madalas pang napakasakit, kaya naman malaking bagay para sa mga babae na magkaroon ng lalaking kaya silang alagaan lalo na sa panahon ng kanilang dalaw.

Credit: PNG

Kung iisipin ay hindi naman talaga masama at nakakahiya para sa isang lalaki ang makitang may hawak at bumibili ng napkin, sadyang hindi lang ito pangkaraniwang makita ng mga tao. Hindi nakakababa ng pagkalalaki ang bagay na ito at sa halip ay nakakataas pa nga ng pagkalalaki dahil ito ay patunay ng totoong astig na pagmamahal.

Leave a Reply