Dream House ng Mag-Asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, Natupad Na

Si Chynna Ortaleza ay isang aktres at TV host na ikinasal sa singer na si Kean Cipriano. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na sina Stellar at Salem, at masayang namumuhay bilang isang pamilya.

Nito lamang Lunes, July 12 ay ibinahagi ni Chynna sa kanyang instagram post na nakalipat na sila ng kanyang pamilya sa kanilang dream house na matagal na nilang pinapangarap at ipinagdadasal.

Credit: Instagram / chynsortaleza

Sobrang saya ng mag-asawa, lalo na si Chynna dahil sa wakas ay nagkaroon na sila ng sarili nilang bahay na may malaking bakuran. Ang nasabing bakuran ay isa nga sa pinaka-importante at pinakagustong parte ng mag-asawa sa kanilang bagong tahanan.

Bilang isang pamilya na may dalawang anak, hangad ng mag-asawa na makapaglaro ang kanilang anak sa labas. Ngunit dahil nga sa pandemya na kinakaharap natin ngayon, ay palagi lamang nasa loob ng dati nilang bahay ang kanilang mga anak sa tuwing naglalaro.

Credit: Instagram / chynsortaleza

Matatandaan naman na ibinahagi rin ni Chynna noong Marso sa publiko ang kaniyang kasiyahan ng makita na nila ang perpektong lugar na pagtatayuan ng kanilang tiny dream house.

“I remember wishing for a house with a yard… with plenty of prayers we found a place that checks our tiny home dreams.”

Credit: Instagram / chynsortaleza

Nagpaabot rin si Chynna ng kaniyang taos-pusong pasasalamat sa mga nagbigay suporta at tumulong upang maisakatuparan ang kanilang dream house.

“Thank you so much to everyone who constructed and provided us with this beautiful space… you guys are amazing!”

Credit: Instagram / chynsortaleza

Hindi maitatanggi ang lubos na kasiyahan ng mag-asawa para sa kanilang mga anak dahil sa wakas ay malaya na ang mga ito na makakapaglaro sa labas ng kanilang tahanan. Malaking bagay para sa mag-asawa ang pagkakaroon nila ng malaking bakuran, dahil importante sa kanilang maranasan ng kanilang mga anak ang makapaglaro bilang normal na mga bata, at hindi lamang nakakulong sa apat na sulok ng kanilang bahay.

“Thank you for taking such a good care of us and granting our wishes. Ang saya-saya kasi nakalaro ang mga bata… naarawan… pinawisan! Amoy pawis sila!”

Credit: Instagram / chynsortaleza

Maaaring napakaliit na bagay lamang ito para sa iba, ngunit bilang isang ina, nais ni Chynna na hanggat maaari ay hindi mahadlangan ng pandemya ang paglaki bilang normal na mga bata at may masasayang karanasan sa paglalaro sa labas ang kaniyang mga anak. Masaya siyang nakikita ang kaniyang mga anak na malayang tumatakbo at masayang naglalaro sa kanilang bakuran.

Dagdag pa ni Chynna sa kaniyang post, ay sinigurado nilang malinis at naka-sanitized ang buong bahay kasama ang kanilang bakuran upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang pamilya, lalo na ang kanilang mga anak laban sa Covid 19.

Credit: Instagram / chynsortaleza

Bagama’t maliit at simple lamang ang pinatayong dream house ng mag-asawa ay maganda naman ito. Mas mahalaga para sa kanila ang pagmamahalan nila bilang isang pamilya kaysa tumira sa magarbong bahay ngunit hindi naman masaya.

Ito ang ilan sa mga pagbati at komento ng mga netizens at kapwa artista sa kanila:

“Yey!!! Happy for you and the fam!”

“Enjoy parenthood and good luck sa set-up mo sa new home.”

“Swerte niyo laki ng playground ng mga bata.”

“Congratulations! Happy for you Mamsh!”

“Small house but clean, fresh, peaceful and organize.”

“Minimalism at its best.”

Credit: Instagram / chynsortaleza

Bilang isang pamilya, ang pagkakaroon ng pinapangarap na tahanan ay talaga namang blessing sa Maykapal. Hindi nabigo si Chynna sa kanyang mga dasal at masaya sa katuparan ng kanilang pangarap. Malaki man o maliit, ang importante ay ang pagmamahalan sa loob ng tahanan.

Leave a Reply