Matagumpay Na CEO, Nangarap At Naging Ganap Na Magsasaka Sa Probinsya

Ikagugulat mo naman talaga ang pambihirang ginawa ni Tres Domingo na isang CEO ng nangungunang advertising company sa Pilipinas na walang iba kundi ang Idea X Machina (IXM). Bakit nga ba sila nangunguna? Nakamit lang naman nila ang dalawang parangal sa ginanap na Campaign Agency of the Year Awards laban sa mga competitors nila sa iba’t ibang panig pa ng mundo.

Credit: Facebook / Tres Domingo

Ngunit bago pa man niya natamasa ang estado niya ngayon ay naransan niya ring maging ‘isang kahig, isang tuka’. Ang batang Tres ay lumaki sa loob ng compound ng National Bilibid Prison sa kadahilanang doon nagtratrabaho ang kanyang ama bilang gwardiya. Hindi naglaon ay nagsumikap siya at naging matagumpay na CEO sa sariling niyang kumpanya.

Ito na nga ang ikagugulat mo, hindi talaga nauubusan ng pangarap si Tres Domingo kaya pinasok niya rin ang pagiging magsasaka. Nakapagtataka na paano naging pangarap ng isang matagumpay na CEO ang pagiging magsasaka? At ang nakakahanga pa rito ay napagtagumpayan niya rin ito.

Credit: Facebook / Tres Domingo

Sa naging panayam ng Esquirre Philippines kay Tres ay dito nga niya ibinahagi kung bakit niya pinangarap na maging magsasaka. Ayon kay Tres, “It’s a return to my roots kind of thing.” Dagdag pa niya, “I come from a family of teachers and farmers. When I was a kid, I enjoyed helping out in the rice fields of relatives during the summer break.” Ngayon ay alam na natin kung saan nagmula ang kagustuhan niya na maging magsasaka.

Credit: Facebook / Tres Domingo

Bukod pa rito, ibinahagi niya at inilarawan ang pagkakaiba ng pagtatrabaho niya sa advertising at pagsasaka. Ayon sa kanya, iba ang nabibigay na “excitement” ng farming at advertising sa tuwing tinatrabaho niya ang mga ito. Tila ba parang dalawang putahe ito na nasa harap niya na may magkaibang lasa.

Nabanggit niya rin na ang katulong niya sa kanyang bukid ay ang mga katutubong Aeta, lalo na kapag siya ay abala sa Maynila. Ipinagkakatiwala niya sa mga ito ang pangangalaga ng mga palay, kape, mulberries, prutas at gulay. Sa una ay akala niya na madali lamang ang pagsasaka ngunit napagtanto niya na kulang pa ang kaalaman niya. Naranasan niyang pagtawanan ng mga magsasaka dahil hindi man lang siya naka-isandaang (100) kaban ng palay.

Credit: Facebook / Tres Domingo

Ngunit walang imposible sa taong determinado. Sa kadahilanang ito, ninais niya pang matuto, dito na pumasok sa kanyang isipan na magbasa ng mga libro patungkol sa modern farming at salamat sa youtube—nanood at pinag-aralan niya ang mga farming tutorials. Hindi naglaon ay mas nahigitan niya ang 100 kaban na dati ay hirap siyang anihin.

“Hindi sila makapaniwala, pero tuwang tuwa din. Naka 110 cavans of rice ako per hectare during my second harvest. Balitang-balita ako sa barangay namin! Takang-taka sila sa dalawang malaking truck na nagpupunta sa farm ko, bibili ng palay ko!” Kasalukuyan siyang nagmamay-ari ng sampung hektarya sa Tarlac, at masasabing napakamatagumpay niya nga itong napamamalakad.

Credit: Facebook / Tres Domingo

Patunay ang buhay ni Tres na “Walang imposible sa taong naniniwala na lahat ay posible.” Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.

Leave a Reply