Aiko Melendez, Kapansin-Pansin Ang Pagiging Bagets At Blooming Sa Edad Na 45

Looking young ang 90’s actress na si Aiko Melendez sa mga bago nitong pictures online. Trending pa nga ang larawan nito kamakailan lamang kung saan masaya itong nakangiti sa kamera. Natuwa at napa-wow naman ang netizens sa tila walang kupas nitong ganda na parang hindi tumatanda at lalong bumabata sa kabila ng edad nito.

Credit: Instagram / aikomelendez

Madalas natin mapanood si Aiko Melendez sa mga palabas at pelikula noong 90’s. Dahil na rin sa angkin nitong galing sa pag-arte, karisma at taglay na ganda, sikat na sikat noon ang aktres. Isa lamang ang sikat na matinee idol na si Aga Muhlach sa mga kanyang naging leading man.

Tumatak sa manonood at takilya ang bawat ginagampanan nito. Ilan sa pelikulang pinagbidahan ng aktres ay ang “Mahal kita, Walang Iwanan”, “Batang X”, “Underage Too”, “Ikaw Pa Rin Ang Iibigin” at marami pang iba.

Tumatak din ang pagganap nito na kontrabida sa ilang palabas tulad ng Wildflower ng Kapamilya Channel ABS-CBN at Primadonna ng Kapuso GMA network. Sa naturang palabas nga na ito ay lalong sumikat si Aiko Melendez at trending pa nga araw-araw online.

Credit: Instagram / aikomelendez

Pero hindi lamang sa palabas sa telebisyon pinag-uusapan at pinupuri ang aktres na si Aiko Melendez. Maraming netizen ang nakapansin at pumuri sa ipinakitang larawan ng aktres, sa katunayan umabot pa nga ng libo-libong reaksyon ang naturang larawan. Bukod rito ilang pang mga larawan ang ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account na nagpapakita ng pagiging blooming nito.

Credit: Instagram / aikomelendez

Nagpasalamat naman ang aktres sa mga netizen at fans na napasaya niya sa larawan at nagpa-trending sa kanyang “bagets look”. Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng nagpadala sa kanya ng mensahe. Pag-amin ng aktres, “Mahirap pero kung gugustuhin kakayanin natin yan. Goodluck on your weight loss journey!” Pinasalamatan din ng aktres ang mga tumutulong sa kanyang ma-achieve ang pagbabawas ng timbang na nagsimula pa noong 2016.

Credit: Instagram / aikomelendez

Ang aktres ay may dalawang anak sa mga nakaraang karelasyon, na ngayon ay binata at dalaga na. Maayos at matatag rin ang relasyon ni Aiko sa mga anak nito na sina Marthena Jickain at Andre Yllana. Kung saan makikita sa mga ibinabahaging larawan ng aktres ang closeness nilang mag-iina. Sa kasalukuyan ay may nagpapatibok rin ng puso ng aktres, kasintahan nito ang Vice Governor Jay Khonghun ng Zambales. Bukod nga sa pagiging primyadong aktres isang public servant din ang aktres na si Aiko Melendez.

Leave a Reply