Amang Mangingisda, Nakapagpatapos Ng Tatlong Cum Laude Sa Kolehiyo

Karangalan ng magulang kung ituring ang mga anak. At kahit ano man ang maging sitwasyon ng bawat pamilya, ang magulang ang magsusumikap upang tugunan ang pangangailangan nito. Minsan pa nga’y sa pagnanais ng magandang buhay ay kayang gawin ng magulang ang lahat.

Credit: Facebook / Rated Korina

May ilang mga kwento ng pagsisikap at katatagan ang mababasa at makikita natin online. Isa nga sa mga ito ay ang kwento ng pagsisikap bilang ama ng isang mangingisda sa Iloilo, kung saan napagtapos niya ang kanyang tatlong anak sa kolehiyo. Hindi lamang nga isa o dalawa kundi tatlong Cum Laude ang mga anak nito ng makapagtapos sa kolehiyo. Para nga namang ngumiti ang langit at dininig ng Diyos ang panalangin at hirap ng mangingisda ito.

Credit: Facebook / Rated Korina

Nakilala ang mangingisdang ito na si Mang Ramil Montalbo, mangingisda sa bayan ng Iloilo. Kwento ni Mang Ramil noong bata pa siya ay walang kakayahan ang kanyang ama na mapag-aral siya. Pangarap man niyang makatapos noon at maging sundalong naglilikod sa bayan, hindi ito maaari dala ng kahirapan sa buhay. Kaya naman sa murang edad ay napilitan itong maghanapbuhay na at isantabi ang pangarap. Isa nga ito sa kinahaharap noon ng mga kabataan—ang limitadong edukasyon at napipilitan na lamang tumulong sa magulang upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Dahil galing si Mang Ramil sa mahirap na pamilya ay pikit-mata nitong kinalimutan ang kanyang panagarap na makapagtapos.

Credit: Facebook / Rated Korina

Tumatak sa isip ng batang Mang Ramil na balang araw ay magsusumikap siya at hindi mararanasan ng kanyang mga anak ang kawalan ng kalidad na edukasyon. Sinikap ni Mang Ramil na igapang ang pag-aaral ng kanyang mga anak hanggang sa kolehiyo at nagbunga naman ito. Bilang pagpupugay at para suklian ang pagpapagal ng kanilang ama, matagumpay na nakapagtapos ang tatlong magkakapatid na ito na anak ni Mang Ramil. Lubos ang kagalakan at proud na proud si Mang Ramil sa kinahinatnan ng kanyang walang humpay na pangingisda kahit pa abutan siya ng masamang panahon sa laot.

Credit: Facebook / Rated Korina

Maraming netizen ang naantig sa kwento ni Mang Ramil at mga anak na ito na nagbigay karangalan sa masigasig na ama. Karapat-dapat ngang hangaan at tularan ang mga magulang na katulad ni Mang Ramil. Hindi ba’t lagi nating naririnig at laging ipina-aalala ng ating mga magulang sa ating mga anak na edukasyon lamang ang tanging kayamanan na maipapamana nila sa atin. Isang pagpapakita ng pagmamahal sa ating mga magulang ang pagsunod at paggalang. Gayundin, nararapat lamang na suklian natin ang kanilang mga sakripisyo’t pagsisikap.

1 Comment

  1. napakaswerte ng anak sa knilang ama at ganun din ang ama sa kanyang mga anak,,ksi pangkaraniwan ay khit may pampa-aral ang magulang sa kanyang mga anak dto nman ay kbaligtaran,,walang pgcckap na sya ay mkapg-aral upang ito ay mkatapos bagkus puro pgpapabaya lamang ang ginagawa sa sarili, gaya nga ng ibang magulang nman na hindi kaya nmang pg-aralin ang anak..kaya the best father in the world c mang ramil para sa matagumpay nyang pangarap na natupad sa kanyang mga anak na makatapos ng pg-aaral..congrat’s po.

Leave a Reply