Sagot ng Babaeng Sumikat sa Pagkuha ng Tray ng Itlog: “Nag-share din kami.”

Dahil sa dami ng shares at komento ng mga netizens, kinilala na ang isa sa mga nanlimas sa Community Pantry ng Kapitolyo, Pasig, siya ay si Maricar Adriano.

Source: Balitanga.PH Facebook Page

Basahin ang matapang niyang pahayag sa nangyaring insidente:

Source: Balitanga.PH Facebook Page

Trending sa social media platforms ngayon ang litrato ng Community Pantry sa Pasig kung saan may isang grupo ng kababaihan ang nanlimas ng mga items kabilang ang dalawang tray ng itlog. Viral na ngayon ang CCTV video ng insidente.

Source: Senyora Facebook Page

Huling-huli sa CCTV ang paninimot ng mga babae sa mga laman na siyang ikinagalit ng napakaraming netizens. Makikita sa video na puno ang lamesa ng iba’t ibang uri ng pagkain sa Barangay Kapitolyo nang dumating ang grupo ng anim na babae na may mga dalang ecobag.

Source: Carla Quiogue / Facebook

Kitang-kita rin sa video na pinalibutan ng mga babae ang lamesa habang kaniya-kaniya na sila nang dampot sa mga nakalagay dito. Huli rin sa camera ang isang babae na bitbit ang dalawang tray ng itlog. Ilang saglit lang ay simot na ang laman ng mesa.

Source: Carla Quiogue / Facebook

“Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila ‘yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, ‘Ibibigay na lang po namin ‘to sa mga kapitbahay namin.’ Sabi ko sa kanila, ‘puwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay n’yo,'” pahayag ni community pantry organizer Carla Quiogue tungkol sa insidente.

“Gusto ko lang i-point sa kanya na yung ginawa nila is pagiging greedy or hindi tama. Kasi marami pang nangangailangan.” dagdag ni Quiogue.

Source: Carla Quiogue / Facebook

Sa kasalukuyan ay patuloy na tinatadtad ng samu’t-saring komento ang Facebook account ni Aleng Maricar. Basahin natin ang iilan sa kanila na hango sa Facebook page nina Senyora at Facebook account ng Community Pantry Organizer na si Carla:

“May dala pang eco bag ang mga ganid na patay gutom!”

“Sinisira nyo lang po ang totoong significance ng community pantry. Kaya yung ibang tao nawawalan ng gana tumulong at magmalasakit kasi imbes na napupunta sa mga deserving at totoong nangangailangan eh, dun napupunta po sa mga sugapa at abusado. Wag pong ganon. Wag pong masyadong thick face. Pandemya na, sana naman magbago na kayo. -1000 po kayo sa langit.”

“Grabe ang sasama ng ugali. Ang daming walang makain, sila isang grupo talaga kinuha lahat. Sana nagtatae kayo ngayon.”

“Kung sino man anak nito, bili ka ng bagong magulang.”

“Kung uso ang libre, sana uso rin mahiya.”

“Swapang naman laki ng katawan, nakipag-agawan pa sa wala talagang makain.”

“Namigay naman daw po sa kapitbahay, mga Pilipino talaga matulungin.”

“Walang hiya tray na talaga kinuha. Yan yung perfect example na sosyal at feeling mayaman pero pag makarinig ng ayuda at libre eh mas excited pa kesa taong pobre.”

“Hirap mahalin ng Lupang Sinilangan dahil sa mga mamayang gahaman, sakim at walang pakundangan sa mga tunay na nangangailangan.”

“Yung kasing kapal ng taba nila yung kapal ng mukha nila.”

“Nakakahiya maging pinoy minsan, may nakasulat na nga hinakot pa. Mabulunan sana kayo.”

“Kakapal ng mukha ng ibang tao. Kaya minsan hindi mo din masisisi yung iba kung ayaw tumulong dahil sa mga abusado. Magtae ka sana charot.”

Hindi pa rin nagpapatinag si Aleng Maricar at patuloy na hinahamon ang kanyang mga bashers online:

Source: Senyora Facebook Page

Leave a Reply