Alice Dixson, Natupad ang Pangarap na Magkaanak sa Edad na 51

Isa sa mga kahilingan ng aktres na si Alice Dixson ay natupad na at ito ay magkaroon ng sariling anak. Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang larawan na may footprint ng sanggol.

Source: Instagram / Alice Dixson

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle.”

“For those of you who really know me—you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year—my wish is the same when I blew out my candles.”

“So with great patience, belief and trust—I am happy to announce that my wish has finally come true. Our newest little family member has arrived.”

Source: Instagram / Alice Dixson

Bumalik na sa Manila ang aktres kasama ang kanyang anak na tinawag niya munang ‘Baby A’. Sa kanyang social media ay ibinahagi niya ang video kasama ang anak habang sila ay nakasakay ng eroplano.

Source: Instagram / Alice Dixson

Hindi muna pinakita ni Alice ang mukha ng kanyang baby pero base sa video ay makikitang blonde ang buhok ng bata at may pagka-pinkish ang kulay ng balat. Dahil nga pandemya ay kailangan muna nilang mag quarantine sa isang hotel. Matatandaang inanunsiyo ni Alice noong Holy Week na isa na siyang ganap na ina.

Source: Instagram / Alice Dixson

First time mom lamang si Alice kaya wala pa siyang ideya sa pagpapalaki ng bata. Ayon din sa kanya ay matagal na nilang sinusubukan ng kanyang partner mag conceive pero hindi sila biniyayaan ng anak kaya nagdesisyon na lamang silang sumailalim sa surrogacy.

Source: Instagram / Alice Dixson

Lumipad si Alice noong Marso 2021 sa Amerika para masulyapan ang kanyang anak. 51 years old na at hindi niya isinasapubliko ang kanyang relasyon ngayon sa kanyang foreign partner.

Source: Instagram / Alice Dixson

Isa si Alice Dixson sa mga may magandang mukha sa industriya ng showbiz at napakasexy pa rin kahit 51 years old na ito. Dating kasal si Alice sa isang businessman na si Ronnie Miranda ng labing tatlong taon.

Source: Instagram / Alice Dixson

Naghiwalay daw sila dahil sa irreconcilable differences pero sinubukan muli nilang ayusin ang anumang problema sa kanilang relasyon pero hindi na ito naisalba pa. Hindi din sila nagkaroon ng anak.

Source: Instagram / Alice Dixson

Taong 2018 nang mapabalitang meron daw bagong nagpapatibok ng kanyang puso at ito daw ang ay ang top executive ng isang resort sa Boracay. Naglabas ng statement ang resort na kasal na daw si Alice sa isang foreigner pero tumangging magbigay ng impormasyon dito si Alice.

Source: Instagram / Alice Dixson

Ayon sa mga nakakita sa kanya doon ay madalas daw niyang kasama ay isang Belgian businessman at ang anak niya na 21 years old na ngayon.

Leave a Reply